Chapter 29: Lost THIRD PERSON's P.O.V Nang makalipas ang ilang saglit ay biglang lumabas ang doctor at saka nagsitayuan ang tatlong kambal ng makita nila ang Doctor na lumabas sa E.R "D-doc how's the patient? I-is she alright?" kinakabahang tanong ni Spring sa doctor at nakita nila ang dokumentong hawak nito. "The patient is in a critical condition. You need to choose, ang pasyente ay dalawang buwan ng buntis at dahil sa aksidente ay naging kritikal ang kondisyon ng mag-iina nyo at kailangan nyong pumili kung sino ang bubuhayin sa kanila nang bata sa sinapupunan nya dahil kung hindi mamamatay ang pasyente." sabi ng Doctor dahilan para mashock silang tatlo sa sinabi nito at nabalisa ang tatlo. "K-kasalanan ni Safira ito eh! Hindi malalagay sa panganib ang anak natin at si Chimeneya kun