Epilogue: The Ending CHIMENEYA's P.O.V "Wifey..." napamulat ako ng makita ko si Summer na nakatingin sakin, kasabay nun ay bigla na namang nagunahan ang luha ko. Tanda ko pa nung makita ko si Spring na nasagasaan. "Hey! B-bakit ka umiiyak may masakit ba sayo?" sabi niya kaya naman nagtaka ako at napatingin sa paligid ko ng makita kong nakahiga ako sa hospital bed at nasa hospital kami. "A-anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko. Nakita ko namang natawang nailing iling sya. "Ano bang nangyayayari sayo Wifey? Nanganak ka lang parang nagka amnesia ka na." sabi nya kaya naman napa hawak ako sa tiyan ko ng maramdaman kong parang bagong panganak nga ako. "A-anong—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Storm. "Hello Asawa ko! Gising kana pala! Maayos na ba pak