Chapter 25: Comeback CHIMENEYA's P.O.V Nanginginig ang mga kamay ko habang kabadong nakatingin sa recorder na hawak ko na binigay sakin ni Kianna pero di rin nagtagal ay napagdesisyunan ko pa din na i-play yun at narinig ko agad ang paghikbi ni Safiya. "F-first of all I'm very sorry Chimeneya... I'm so selfish, h-hindi ko inisip na pwede ko kayong masaktan na apat sa kagustuhan ko. S-siguro kung napakinggan mo na ang recorder siguro sa panahong yun ay patay na ako... B-but I want to tell you something important. M-mahal na mahal ka nila at h-hindi ko alam na kapag binigay mo sila sa akin ako pa din pala ang talo n-nung mga panahong nawala ka sa tabi nila they're always drunk. Umuuwi silang tatlo ng lasing galing trabaho at nung nagkasakit sila hinanap-hanap ka nila. L-lagi silang walang