Nakarating kami sa garden at nadama ko ang malakas na hangin kaya napapikit ako. Sa dami kong nalaman kanina sumisikip ang dibdib ko pero ngayon medyo nakahinga na ako ng maluwag. Ilang minuto din kami natahimik ni rocco wala ni isa samin ang gustong magsalita. Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko tungkol saming dalawa. Sa daming nangyari, nawala sa isip ko si rocco ang taong mahal na mahal ko hanggang ngayon. Tumikhim siya kaya kumalabog ng malakas ang puso ko. "A-Anong paguusapan natin?" Tanong ko sa kanya. "About us" seryosong sagot niya. Abou us? For what? Para sumbatan ako sa lahat ng ginawa ko? Handa na nga ba akong balikan ang nakaraan namin? "Bakit mo ako iniwan noon sierra?" Gulat akong tumingin sa kanya. Bakit pa niya tinatanong yon? Hindi pa ba niya alam