Pain - 9

1377 Words
Nakalipas ang apat na buwan wala parin nangyayari sa kaso, may mga ebidensya na ako ang itinuturong salarin. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mananatili rito Ngayon ang huling pagasa ko Ngayon din malalaman ang hatol sa akin ng hukuman Kalat na kalat na sa buong bansa ang pagkakakulong ko, sana hindi nanood ng balita si rocco ayokong pati siya maniniwala sa lahat ng ito. Apat na buwan na rin ang nakalipas nang huli ko siyang makita Kamusta na kaya siya? Ayos lang ba siya? Napangiti ako, siguro namang okay lang siya kasi kasama na niya ang babaeng mahal niya pati na rin ang anak niya. Napahimas ako sa malaki ko na tiyan, 5 months na ang tiyan ko pero ni minsan hindi pa ako nakakapagpa check-up. Hindi ko tuloy malalaman kung babae o lalaki ang magiging anak ko. "Anak kapit lang ah? Makakalabas rin tayo rito.." Pumikit ako at hindi ko namalayan nakatulog nako, nagising na lang ako ng kumalampag ang gate ng selda ko.. "Ms.Villaluna, Tayo na ho" Inalalayan naman ako ng mga pulis na tumayo at napangiti na lang ako sa kanila at nagpasalamat. Lumabas kami ng station at napapikit pa ako ng mahagip ako ng liwanag. Ngayon ko lang nasilayan ang araw, ngayon lang ulit dumampi sa balat ko ang sinag ng araw. Ang sarap sa pakiramdam. Sa apat na buwan kong pagkakakulong, tanging dilim lang ang nasisilayan ko puro dilim at walang liwanag. Napayuko ako ng makita ko maraming media pag labas ko. "Ms.Sierra totoo bang ikaw pumatay sa kakambal mo?" "Totoo bang nagnakaw ka ng malaking pera sa kompanya mo?" "Ms.Sierra!" Hinaharangan ako ng mga pulis para hindi ako mapag-piyestahan ng mga media. "Hindi pwedeng sumagot ang client ko.." Maikling sambit ng abogado ko. At inalalayan akong maglakad papunta sa sasakyan papunta sa court. "Ano man ang mangyari ngayon, wag na wag mong kakalimutan na may mga naniniwala parin sayo Sierra.." Sambit ni Anthony. Ang abogado ko mapait lang akong napangiti sa kanya. "Oo. Hindi ko yun makakalimutan.. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo Attorney Fuentes" huling sambit ko sa kanya bago ako sumakay. Ito na ang huling pagasa ko Kayo na po bahala sa akin ama. - Nakarating na kami sa court, marami paring press ang sumalubong sakin, nakayuko lang ako habang naglalakad.. Ang mga mapanuring mga mata nila Nakakalungkot lang kasi pati sila kriminal na ang tingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at muling naglakad papasok sa loob. "Sierra!" Napangiti ako ng makita sila gaile, kuya at si ate rianne. "Gaile! Kuya! Ate rianne!" Pinasigla ko ang boses ko kahit naiiyak na ako. Lumapit sila sakin at niyakap nila ako. "Are you ready princess?" tanong sakin ni kuya. Malungkot ko lang siyang nginitian. "Ano man ang resulta ng hatol kuya, tatanggapin ko na lang.." Natigilan ako sa pagsasalita at natulala na lang ako. Handa na nga ba ako sa huling hearing namin? Paano kung guilty? Paano kung.. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ako lalaban may mga ebidensya silang hawak na hindi naman lahat totoo. Mga ebidensya na ako ang itinuturo Napapikit ako at taimtim na nagdasal. Kahit ano mangyari ngayong araw, tatanggapin ko na lang pero paano ang baby ko? Paano ko siya bubuhayin? Kung tuluyan nakong makukulong? Paano ko maatim na makulong kung may isang magdudusa? Napahawak ako sa malaki kong tyan. 'Baby kapit ka lang kay mama kakayanin natin ito..' Dumilat na ako ng hawakan nako ng mga pulis. Malungkot lang akong napangiti kayla kuya na hinabol pa ako ng tingin. Pagpasok ko sa court, napansin ko na sila mama at papa na nasa kabilang panig. Dumaan ako sa harapan nila at nginitian ko lang sila bago ako maupo. "Makukulong kana! Dapat ka lang makulong!" Nabigla ako sa sigaw ni mama kaya napaiwas ako bigla. "Pagkatapos kitang buhayin! Ito lang pala gagawin mo?! Pati kakambal mo dinamay mo pa!" Sigaw niya at pilit akong inaabot. Napayuko lang ako at marahan na umiling. Kahit anong sabihin ko. No one believe me No one trust me Kung sino pa yung inaasahan kong magtatanggol sakin sila pa itong dinidiin ako sa kasong hindi ko naman ginawa. Mapakla akong natawa ano pa nga bang aasahan ko? Miski tingin at hawak nga hindi nila magawa ang ipagtanggol pa kaya? Hindi rin naman sila maniniwala kung ano man ang sasabihin ko. Dahil sa paningin nila isa akong kriminal na itinatapon sa kung saan dapat kong kalagyan. Wala akong kasalanan!' Gusto kong isigaw sa kanilang lahat yon pero paano? Hindi rin naman sila maniniwala sakin. Kahit anong paliwanag ko Kahit anong sabihin ko Walang maniniwala sa akin. Walang maniniwala sa mga sasabihin ko. "Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan" mariin na sambit ni mama sakin at inirapan niya ako bago umupo sa tabi ni papa. Napatingin ako kay papa na hindi makatingin sa akin at seryoso lang siya habang inaalo niya si mama. May kinuha ako sa bulsa ko yung larawan na ibinigay sakin ni papa 4 months ago. Sino nga ba ang nasa larawan papa? Bakit mo ito binigay sa akin? Nalilito ako dahil hindi ko kilala ang babaeng nasa larawan ni miski noon pang mga bata pa kami hindi ko man lang nakikita ang babaeng yon. Kaya sino siya sa buhay namin? O Sino siya sa buhay ko? Ilang oras pa ang hinintay namin bago dumating ang judge para magpasya ng lahat Mahigpit ang hawak ko sa mga kamay ko. "-- Sierra Villaluna is guilty.." 'Guilty..' 'Guilty..' 'Guilty..' Natulala na lang ako sa narinig ko Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko Puro iyak ni Gaile at ate rianne ang naririnig ko sa buong court. Yung liwanag na nagsisilbi sa buhay ko parang unti unting nilalamon ng dilim. Yung kakaunting pagasa ko biglang naglaho. Ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito? Napalingon ako kay mama na walang tigil ang pagluha dahil sa tuwa. Magiging masaya na ba kayo mama at papa? Magiging masaya naba kayo na mawawala na ako ng tuluyan sa buhay niyo? Ito ba talaga ang gusto niyo? Unti unting tumulo ang mga luha ko at mapait na napangiti. Nanlalabo na rin ang paningin ko. "K-Kuya.." "SIERRA!" Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman kong sumasakit ito. "K-Kuya a-ang sakit.." Mangiyak ngiyak na sambit ko sa kanya. Pinilit kong huminga ng malalim para kumalma ako pero mas lalo lang siyang sumasakit. "K-Kuya h-hindi ko na kaya.." "Ohmygad! May dugo!" Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may dugo na tumutulo sa hita ko. "N-No.. K-Kuya!" Binuhat na ako ni kuya papunta sa sasakyan kahit nahihirapan na ako hindi pa rin ako tinitigilan ng mga media. "Respeto naman para sa kapatid ko!" Sigaw ni kuya sa mga media kaya nagsitabi ito kaya nakadaan kami. Napahawak ako ng mahigpit sa damit ni kuya ng humihilab masyado ang tiyan ko. "K-Kuya.." "Sandali na princess, malapit na tayo!" Napasigaw na ako ng mas lalong sumasakit. Baby please wag na wag mong iiwan si mama ikaw na lang ang natitira sakin kaya wag naman pati ikaw iwanan rin ako. Kapit ka lang anak. Hindi rin kita bibitawan. "KUYA!" "Kaya mo ito ha? Hindi ka iiwan ng pamangkin ko, hindi rin kita iiwan okay?" Tumango tango ako sa kanya at humigpit lang ang kapit ko sa kamay ni kuya at nagbitaw na kami ng ipapasok na ako sa emergency room. "B-Baby d-don't l-leave m-mama p-please.." - S O M E O N E "Makukulong na siya? Mabuti naman. Wala ng hadlang pa" Napangisi ako ng marinig ko ang magandang balita dahil sa wakas wala ng hadlang sa mga plano ko. "Who are you talking to?" Napatalon ako sa gulat at tinago ko ang phone ko sa kabinet. "N-Nothing hehehe. Are you hungry? Ipagluluto kita." Nakangiting sambit ko sa kanya. Kumunot ang noo niya pero kalaunan tumango lang siya. "Im coming back to the philippines" Natigilan ako. "What? No!" Napasigaw na ako sa gulat kaya mas lalong kumunot ang noo niya. "I-I mean. We need you here" Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi na siya nagsalita at umakyat na lang siya sa kwarto namin. "Damn it. Hindi siya maaaring bumali!" Bulong ko at kinuha ko ang papeles na dumating dito kumakailan lang at napangisi ako atsaka ko tinawagan ang attorney ko. Hindi na dapag kayo magkita pa. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD