Ilang linggo na rin ang nakalipas ng marinig ko ang balita, medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko. Siguro nga kailangan ko na ring tanggapin na wala na talaga wala na talaga kami ni rocco na hindi na kaya pang ibalik ang dati. Siguro ako lang itong umaasa na may pakialam siya sakin na kaya na niya akong mahalin pero sa lagay kong ito mukang malabo na malabo ng magkaayos o magkabalikan pa kami. Napatingala ako sa kalangitan at napangiti na lang. Hanggang alaala na lang ang mga nangyari samin ni rocco Alaalang hindi makakalimutan Na naging akin siya kahit isang beses pero tadhana na mismo ang nagsasabing hindi talaga kami para sa isa't-isa. Pinagtagpo lang pero hindi itinadhana. Malungkot man na don na nagtapos ang kwento naming dalawa pero nagbigay naman ng aral sakin ang mga nangya