S I E R R A Nagising ako ng may nagbuhos sakin ng isang baldeng tubig. Hinihingal akong napaupo at unti unting lumilinaw ang paningin ko. Nasan ako? Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Yung nurse! Yung tinurok niya sakin may pampatulog kaya pala iba ang ngisi niya kanina. "Aba gising na pala ang prinsesa" Napatingala ako sa nagsalita at ganun na lang ang gulat ko ng mapagtanto ko kung sino siya. "Rea.." Oo siya nga. Nakangisi siya sakin at may apat na lalaki ang nasa likuran niya. "B-Bakit ako nandito? N-Nasaan ako?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya at lumapit sakin. "Sa lugar kung saan walang makakarinig sayo" nakangising sambit niya sakin at lumayo na siya sakin ng tuluyan. "A-Anong.. B-Bakit? Ano bang kasalanan ko sayo?" Tanong ko sa kanya. Wa