-Addie's POV- KABA at takot. Iyon ang mga pangunahing damdamin na nararamdaman ko ngayon. I have now Ivan's MRI scan result in front of me and he really has a tumor above his left eye. Delikado iyon at kapag nagkamali ang o-opera, maaring mabulag ang bata. I don't want Ivan to loose his eyesight. Napaka-bata pa niya para maranasan ang lahat ng ito at iyong tumor na 'yon ang maaring sumira sa mga pangarap nito. My hands starts to shake. I've never been this so agitated in my entire life in medical field. Hindi ko yata kakayanin na pumasok sa loob para i-assists si JD. May tiwala ako sa main surgeon pero sa sarili ko wala. Baka ako pa ang maging dahilan ng aberya. “Is that the result?” tanong na siyang pumukaw sa 'kin. I gave way to JD so he could check the MRI scan. Sinipat ko ang reaksyo