-Addie's POV- INAANTOK pa ako nung pumasok SMMC. Bitbit ko ang isang paper bag na naglalaman ng coat ni JD na pina-laundry ko pa bago pumasok. Hindi ko na nasauli nung nagdaang gabi dahil nag-aya na umuwi ang daddy pagkabalik namin nina Dean. Speaking of Dean, he called through Clarence's phone and greet me good morning. Naiwan ko daw yung stuff toy na bigay ng uncle niya at pinakukuha pa sa akin ng personal sa bahay nila. He's really a De Luna. Nadinig iyon ni Andrew at tinawan lang ako nung sa kanya ko pinaki-usap na kuhain pero tumanggi ito. Sa akin daw pinakukuha nung bata kaya ako dapat magpunta doon. Saka ko na lang isisingit ang pagpunta doon kapag umalis ng bansa si JD. Hindi ko na nagawang mag-ayos masyado dahil sa sobrang antok. I was only wearing a peach color front buttoned