-JD's POV- “MAMA...” Kitang kita ko kung gaano kasaya si Addie ng tawagin siya ni Dean na ‘mama’. Patakbong lumapit sa kanya ang pamangkin namin at nahiga paunan sa mga hita ng asawa ko. Eversince we migrated in Denmark, sinanay na ni Addie si Dean na iyon ang itawag sa kanya. Wala namang kaso iyon sa 'kin lalo kay Clarence na nakatira sa katabing bahay namin. Tuwing umaga natawid si Dean sa bahay at uuwi lang kapag sinundo na ni Clarence. “Kumusta ang health ni Addie at ng baby niyo? How is she coping up with the weather here?” tanong ni mommy na siyang katabi at kasamang nakamansid kina Addie at Dean. Halos pitong buwan na kaming naninirahan ngayon sa Denmark. Iyong mga unang linggo nakaka-homesick pero dahil kasama namin si Dean, nalilibang kahit paano si Addie lalo kapag wala ako sa