KABANATA 55: MABUTI NA LANG AT dumating na si Kim matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Hindi siya nakapagsalita, hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili dahil siguradong gusto niyang malinis siya sa mata ni Kim. When in fact, he doesn’t know that Kim knows everything! “Alana, tahan na… nakaalis na tayo.” “Kukunin ko na ang mga gamit ko sa bahay nila bukas,” sabi ko. “Galit ka lang kaya nasasabi mo ‘yan. Bukas pag-usapan natin. Kailangang sabihin na muna natin iyan sa Auntie mo.” Pumikit ako nang mariin saka humugot ng malalim na hininga. He didn’t follow me. Why do I feel much more pain that he didn’t? Dapat masaya ako dahil hindi niya ako pinigilan, pero mukhang tama nga ang sinabi niya, hindi niya talaga ako mahal. At totoo nga yatang nambababae siya habang kami. Ilang minut

