KABANATA 71: Alana’s POV: NAPAIRAP NA LAMANG ako nang tuluyan nang napalabas ni Kim si Matias. Hindi ko gustong nandito siya. Matapos ng lahat ng nangyari, noong kailangang-kailangan ko siya, hindi siya nakinig tapos ngayon bigla na lang siyang darating? Siya pa yata ang magiging rason ng pagkamatay ko kapag hindi siya umalis! Narinig na nga niyang stress ang dahilan kung bakit ako hinimatay pero parang wala lang sa kanya at tutuloy pa rin yata siyang mangulit sa akin. Nag-angat ako ng tingin kay Auntie na ngayon ay halos hindi makatingin sa akin. Sa paraan kung paano niya ako iwasan ng tingin ko, alam ko nang may kinalaman siya rito. Noong nakaraan pa lang ay may kakaiba na akong nararamdaman sa ikinikilos niya, para bang may itinatago. “Auntie, alam mo bang alam niyang buntis ako?” t

