KABANATA 69: AFTER A LONG tough eight months, everything seems fine. Akala ko hindi ko kakayaning magbuntis ng wala si Matias, ng walang ama. Pero kinaya ko. Siguro kung hindi rin dahil kay Auntie Thelma at Kim na tumulong sa akin, hindi ko rin naman kakayanin. Imbes na maghanap ng trabaho ay bumalik ako sa Bukidnon para dito muling tumira at ipagpatuloy ang pagbubuntis. Wala akong choice dahil wala akong kasama at nagagalit si Auntie. Wala na rin naman daw sila Matias sa kanilang mansyon dahil lumipat na sila sa Manila matapos makulong si Demetrious… “Bagay ito kay baby boy!” bulalas ni Kim nang makita ang isang onesies na kulay blue pero ribbon ang design. “Parang pambabae!” natatawang sagot ko. “Tingnan mo ang laki ng ribbon na design.” “Cute nga e! Iyan ang fashion ngayon sa mga

