KABANATA 29: NAGYAYA ANG MGA kaibigan ni Matias na mag-basketball dahil na-miss na raw nila ang bonding nila. Hindi sana ako sasama dahil nakakailang sa kanila pero ang sabi ni K ay naroon daw ang mga girlfriend nila at asawa naman ni Bill kaya kung hindi ako sasama, si Matias lang ang walang kasamang partner. Tatanggi pa rin sana ako dahil hindi ko naman close ang mga naroon at baka ma-out of place pa pero wala akong nagawa nang si Matias na ang pumilit sa akin. Ayaw ko rin sanang mapalapit sa kahit na sinong kaibigan ni Matias pero napilitan na talaga ako. Hindi kotse ang dala nila kundi motorsiklo, and it was my first time riding a motorcycle! Ang taas pa ng motor nitong si Matias, hindi ako masampa nang maayos. Nang makaalis na silang lahat at naiwan kami ni Matias ay wala siyang ch

