KABANATA 44: HINDI AKO MAKAPANIWALA. Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Matias sa akin kaninang umaga. Pinili kong huwag na munang sagutin ang sinabi niya dahil hindi pa ako nakakapag-isip nang maayos. Kagaya ng sinabi niya, ipinagluto niya nga talaga ako ng almusal. Sabay kaming kumain at hindi kagaya noong mga nakaraan na sa harap lang ng ibang tao siya sweet, ngayon ay maging kahit kaming dalawa na lang. I can’t believe that last time, he was so mad at me and now it turned upside down. “Can I date you tonight?” he asked. Kasalukuyan kong inaayos ang necktie ng suot niyang business suit. Ngayong araw ang huling araw namin dito sa Manila, bukas din ay babalik na kami sa Bukidnon dahil kailangan ko nang bumalik sa trabaho, kailangan niya ring i-check ang ilang taniman doon at asikasuhin

