Chapter 37 "Kung alam ko lang na ganoon kagwapo magiging fiancee ni Bible at hindi matanda sana pumayag na ako magpanggap na si Bible!" Iritable na sambit ng babae na may pangalan na Claire. Hindi nalalayo ang edad nito kay Keith. "Iyon din ang akala ko. Isang matandang lalaki ang head ng mga Pittman." Hindi niya akalain na in future magiging ganoon ang kapalaran ni Bible at gagawin iyon ni Bible sa kanila. Galit na galit ang matandang babae. Tiningnan ng matandang babae ang pulis na nakatayo hindi kalayuan sa kanila at nakikipag-usap sa kasamahan. "Ayaw niyo mawalan ng magulang diba at tumira sa kalsada or magaya sa nga batang nandito sa orphanage," ani ng babae. Napatigil ang dalawang babae. Sinabi ng ginang na tatakas sila ngunit bago iyon kailangan nila maghiganti kay Bible.