Chapter 66 HINDI mapakali si Bible habang hinihintay ang result ng medical ni Keith. Nasa emergency room ngayon ang lalaki at tinatahi ang sugat nito. "Lady Bible, magiging ayos lang si sir Keith," ani ni Leah na niyakap ang alaga. Pareho sila nakaupo sa bench sa hallway ng hospital at hawak ng babae ngayon ang mga kamay ni Bible. Patuloy kasi kinakagat ni Bible ang mga kuko dahil sa takot at kaba. Maya-maya ay biglang may dumating na mga reporter. Napatayo sina Bible dahil doon. Agad na hinarangan nina Jonas si Bible 'nong dumugin sila ng mga reporter. "Totoo ba may kinalaman si Keith Pittman sa m******e sa pamilya ng mga Pittman?" Agad na sumalubong ang kilay ni Bible dahil doon. Mga tanong nito ay lahat lahat about sa m******e at pinalalabas na may kinalaman si Keith dahil ito