Chapter 25 "Paunti-unti na nawawala lady Bible," ani ni Leah at pinakita ang braso ni Bible. Nagpi-fade na iyong mga peklat. Bahagyang natawa si Bible sinabi na dahil iyon kay Leah. Alagang-alaga kasi ni Leah ang skin niya. Tiningnan ni Bible iyong mga bottle na nasa cabinet na inilalagay ni Leah sa bathtub kapag naliligo siya. "Alam mo lady Bible bukod sa talino ang skin at face ang pinaka-asset natin mga babae kaya dapat inaalagaan natin skin natin," ani ni Leah habang kinukuskos ang balat ni Bible. Biglang pumasok sa isip ni Bible iyong isang pamilya. May nanay at tatay tapos anak. 'Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Tingnan mo nasugatan ka tuloy.' "For sure Leah ang swerte ng magiging anak mo in future," ani ni Bible at ngumiti ng matamis. Napangiti si Leah at nagpasalamat kay B