Chapter 57 Nagising si Bible sa kalaliman ng gabi. Hindi alam ni Bible kung anong oras na 'yon basta may naaninag siya na dalawang tao. Nakatayo ang mga ito malapit sa kama niya. Napatigil si Bible 'nong paunti-unti luminaw ang paningin niya at may makita siya na magandang babae. Napatingin ito habang hawak ang pisngi ng lalaki na nasa harapan nito which is alam niya na si Keith. Napalingon si Keith dahil sa pagkawala ng atensyon ng babae na kasama niya. "Buti naman gising ka na bubwit? Ano ba pinaggagawa niyo at nagkasakit ka?" Humarap sa kaniya si Keith at nag-cross arm. In some reason masama ang tingin sa kaniya ni Bible. Napataas ng kilay si Keith dahil doon. "Bakit ka ganiyan makatingin?" Sinabi ni Bible na mas lalo pumanget si Keith at tumatanda na ito. Naitikom ni Kei