Chapter 54 Pinarada ni Jonas ang sasakyan sa sa harap ng isang shop. Nakaupo lang si Bible sa backseat at mukhang wala balak lumabas. Nakatingin sina Leah at Jonas sa babae. Tumingin si Bible sa labas ng binta at naaninag niya si Keith na may kaharap na mga lalaki na halos hindi nalalayo ang edad sa kaniya. "Then papadala ko na lang sa secretary ko ang contract once na ma-confirm na ng board ang about sa project," ani ng isa sa mga guy. Nagpasalamat si Keith at nauna tumayo. Imabot nito ang kamay sa mga lalaki. Tumayo din ang mga ito at nakipagkamay kay Keith. "I hope we meet again. Mabigyan mo sana kami ng chance at pumayag ka na makipag-inuman sa amin," ani ng lalaki at tumawa. Naging casual bigla ang pananalita nito. Nailing na lang ang ilang secretary na kasama ng mga ito.