Chapter 69 2 days after makalabas ng hospital si Keith ay dumaan na ang lalaki sa company niya. Nagmatigas ang lalaki kahit sinabi pa ng doctor na need pa ni Keith ng pahinga dahil nagkaroon ng problema sa project at marami siya report dapat i-check. Sumama si Bible dahil naiintindihan niya si Keith. May trabaho pa din ito at si Keith lang makaka-solve. "Usapan isang oras lance Keith. Uuwi na tayo. Kakaladkarin talaga kita," ani ni Bible at sumampa sa table ni Keith. Hindi umimik ang lalaki at pinako lang ang tingin sa harap ng laptop niya. Medyo nabo-bored si Bible at nakita niya iyong maliliit na naiwan niya sa office ni Keith last time. May naisipan siya gawin kaya naman kinuha niya iyon at binuksan. Umisod si Bible at sinimulan niya hawakan ang buhok ni Keith. Kinabit niya ang