Chapter 18 NAPATALON si Leah at Jonas nang hampasin ni Keith ang table at magbagsakan ang ilang gamit sa table kasama ang laptop. "Anong palabas na naman ang gusto ng matanda na iyon at gusto niya makita si Bible?" ani ng lalaki. Salubong ang kilay nito na inutusan sina Leah na kapag dumating ang matanda na iyon ilayo si Bible. "Hindi niya kailangan makita ang bata," ani ni Keith at malinaw na iyon ang utos ng lalaki. NGUNIT— napamura si Leah 'nong paglabas niya ng mansion para puntahan si Bible na hinihintay siya sa labas ng mansion. Nakita niya ang isa sa apat na uncle ni Keith. "Hey kiddo, ikaw ba ang little fiancee ng pamangkin ko?" tanong ng matanda habang nakayuko at nakangiti kay Bible. May dala ang mga ito na regalo para sa batang babae. Kasama din nito ang apo na kasing