Chapter 11 HAWAK NI LEAH ang mga labi habang nakatayo sa harap ng pinto ng room ni Bible. After bitawan ang door knob at isara ang pinto ay napabuntong hininga ito. "Lalim ah. Anong problema? Hindi na naman ba makatulog si lady Bible?" Napalingon si Leah. Nakita niya si Jonas na may ilang dala na documents. Mukhang inutusan ito ni Keith na kunin ang ilang documents sa kotse dahil nakalimutan na naman ito ng lalaki. Madalas iyon kaya naman minsan pagdating na pagdating ni Keith at after dinner kahit hindi inuutos ni Keith ay tumutungo na ang lalaki sa parking lot para kuhanin ang mga naikalat ni Keith na documents sa loob ng sasakyan. "Pagod si young lady kaya nakatulog siya agad after ko siya linisan," ani ni Leah. Nagtataka si Jonas dahil mukhang problemado si Leah. "Hindi ko ine-