Chapter 73 Sinabi ng matanda na kailangan ng mga ito bumalik sa party. Kumunot ang noo ni Keith— napatingin si Bible. "Nasa iyo na ang blueprint ano pa gusto mo?" tanong ni Bible at niyakap si Keith. Parang sinasabi nito na huwag lalapit or gagawa ng masama. Sinabi ng matanda na alam niya fake ang blueprint na iyon. Naitikom ni Bible ang mga labi. Naalarma sina Raphael at handa bunutin ang baril kung gagawa ito ng masama. "Pero hindi ako nandito dahil doon. Katulad ng sinabi ko kailangan niyo bumalik ng party at mag-act na walang nangyari." Tinanong ni Bible sino ito bakit sila pinababalik nito sa party. "Kung gusto niyo lumabas dito ng buhay sundin niyo ako." Tumalikod ang matanda at naglakad palabas. Hahabulin ito nina Jonas nang pigilan sila ni Keith. Tiningnan ng lahat si Ke