ANG MALUMANAY na halik ni Vance ay naging marubdob habang mahigpit nitong hawak ang batok niya. Nadala siya nito sa kama na hindi pinapakawalan ang mga labi niya. Marahas nitong pinunit ang suot niyang polo kaya ang mga butones ni'yon ay nagtalsikan kung saan. Para itong isang mabangis na hayop at siya naman ang pagkain nito. Nang mahubad nito ang polo niya ay tinulak siya nito pahiga sa kama. Umusog siya paatras nang makaramdam siya ng takot ng maging ginto ang mga mata nito. Para itong hayop na nakawala sa hawla. Hinubad nito ang suot nitong damit na parang baliwala lang ang sugat nito sa dibdib. Sinunod nitong hubarin ang pantalon nito kasama ng maliit na saplot nito. At pagkatapos ay gumapang na palapit sa kanya. Napapikit siya nang kintalan siya nito ng halik sa noo at ang bibig n