DUMADAING sa sakit nang magkaroon ng malay si Rafael. Pilit niyang iminulat ang mga mata at madilim na silid ang bumungad sa kanya na agad siyang inatake ng takot. Nasaan ba siya? Bakit madilim? Ayaw niya sa dilim, takot siya sa madilim na lugar dahil para siyang nasu-suffocate. Aabutin niya sana ang sumasakit na sentido ngunit hindi niya magawa dahil nakatali mula sa likod ng upuan ang mga kamay niya, gayun din ang mga paa niya.
"A-anyone there? ¡Ayuadame!" Help me! Sigaw niya habang pilit na kinakalas ang mga kamay mula sa pagkakatali. Pero lalo lang siyang nanghihina sa ginagawa.
Ano ba ang nangyayari? Bakit ba ako nandito? Bakit ba ako nakatali? Sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Yumuko siya at pilit na bilalabanan ang takot. Ang huli niyang natatandaan ay nasa hotel room siya ni Vance at pagkatapos... Tapos... Naalala niya ang nangyaring pagbabago sa kanyang katawan.
¡No! ¡Ese no soy yo!! Hiyaw niya sa isipan.
"Ese monstruo no soy yo!" Thats monster is not me! He murmured to his self.
Yeah, that's right...It's not me.
Nabaling ang tingin niya sa bumukas na pintuan kaya nagkaroon ng bahagyang liwanag. "Who told you to tie him?" Narinig niyang tanong ng pamilyar na boses.
"Turn on the damn light!" Pagkasabi ni'yon ay isa isang bumukas ang mga ilaw sa loob ng kwarto.
Bahagya siyang nasilaw kaya mariin siyang pumikit at muli din dumilat at agad na tumuon ang kanyang tingin sa hindi inaasahang tao.
"Your Majesty?"
"Hi Rafael." Mapait itong ngumiti.
"W-why? H-how?" Hindi magkahumayaw na tanong niya.
Nagbuntong hininga ito. "Relax. You have to relax." Malumanay nitong sabi.
"Relax? You want me to relax in this kind of situation? What the hell is going on? Why I'm tied up? Where am I? Sácame de aquí" Get me out of here!
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at marahas iyong iniyugyog.
"Rafael! ¡Escúchame!" Listen to me! Anito sa kanya na tila naman siya natauhan.
"Tienes que escucharme." You have to listen to me. Malumanay na ang boses nito.
Muli itong nagpakawala ng buntong hininga. "Naalala mo ba kung sino ang huli mong nakasama? Naalala mo ba ang nangyari sa'yo?"
"S-si Vance ang huli kong k-kasama...w-we..." Mariin ni'yang pinikit ang mga mata niya at inalalang mabuti ang mga nangyari.
"I-I remember the pain when he b-bite me..." Tumitig siya rito.
"And I saw my s-self in the mirror... ¡No! ¡La bestia que vi no soy yo!" No! The beast that I saw is not me! Muli na naman siyang naghiterikal.
"Rafael!" Muli siya nito niyugyog sa mga balikat.
"Kailangan mong huminahon, hindi natin maaayos ito kung paiiralin mo ang imosyon mo!"
Taas-baba ang kanyang balikat na tumitig rito kuway marahan na tumango.
"Kakalagan kita basta ipangako mong hihinahon ka." Anito. Marahan siya muling tumango.
"Amor..." Doon dumating si King Maximus.
"Si Karrim? Is he ok?"
"Nasa guest room. He already drink his suppressant, he'll be ok, soon." Sagot ni Maximus kuway tumingin sa kanya.
"Balak mo ba siyang kalagan?" Si Maximus.
"Yes." Tumayo ito ng diretso at bumaling sa dalawang lalaki. "Untie him." Utos nito na agad sinunod ng mga ito.
"Now. Listen to me Rafael, because I will not repeat what I say." Naririnig niya ang sariling pintig ng puso dahil sa sobrang kabang nararamdaman niya sa mga oras na ito.
"Vance turned you into werewolf and now you're called Gamma."
Natigilan siya habang pinoproseso niya sa kanyang isip ang mga sinabi nito kuway tumawa ng malaka. "Werewolf? Gamma? Me? Are you kidding me?" Aniya na pinipigilan na matawa.
"Mukha ba akong nagbibiro? Ikaw na nagsabi na nakita mo ang sarili mo mula sa salamin. Ngayon sabihin mo sa'kin, mukha ba akong nagbibiro?"
Muli siyang natigilan at tumitig kay Aaric. Umiling-iling siya, dahil imposible naman ang sinasabi nito. Werewolf? Sa mga libro niya lang nababasa ang mga ganito. He even wrote about Werewolves. Pero siya ginawang werewolf ni Vance? Malaking imposible.
"I am werewolf too." Putol ni Aaric sa pananahimik niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang mabilisang pagbabago ng kulay ng nga mata nito.
"All of us, is a werewolf. I'm an Omega, my husband Maximus is an Alpha, and my two men is a Lota and you're a Gamma." Paliwanag nito na hindi pa rin niya makuhang intindihin at paniwalaan. May hiningi ito sa isa nitong tauhan at may inabot na isang maliit na libro kuway iniabot iyon sa kanya ni King Aaric.
"Naka paloob dyan ang mga tungkol sa werewolf at antas ng uri nito. Mag-isip kang mabuti at unawain ang lahat."
Inilapag nito ang libro sa kanyang hita kuway tinapik siya nito sa balikat. "Mahirap tanggapin at unawain pero iyon ang dapat mong gawin ngayon. Iiwanan ka muna namin para makapagpahinga ka at makapag-isip." Anito kuway tinalikuran na siya kasunod ang asawa nito at mga tauhan.
"Sandali!" Pigil niya sa mga ito. Nilingon siya ni King Aaric at King Maximus.
"¿Dónde está Vance?" Where's Vance?
"He detained his self." Si King Aaric.
Nangunot ang kanyang noo. "W-why?"
"If he not do that, he will run here for you and you knew what will happen next." Si King Maximus ang sumagot.
Nang lumapat pasara ang pinto, inilibot ng nga mata niya ang kabuohan ng silid, tanging pang-isahang kama lang ang laman ng kwartong iyon. Bumaba ang tingin niya sa librong binigay ni King Aaric sa kanya. Totoo nga kaya ang mga pinagsasabi nito kanina na ginawa siyang werewolf ni Vance? Pero bakit?
Buntong hiningang binitbit niya iyon at lumipat sa kama. Tumambad sa kanya ang iba't ibang litrato ng mga werewolf nang sinimulan na niyang basahin ang libro. Halos hindi siya makahinga habang binabasa ang bawat detalyeng naka paloob sa libro at mas lalong tumuon ang antensyo niya tungkol sa Gamma, naalala niya ang sinabi sa kanya ni King Aaric.
Gamma- When Alpha bites a human they become a Gamma. Gamma is like Omega they can get pregnant by the Alpha. but unlike Omega, they're hardly to get pregnant.
Nanlaki ang kanyang mga mata habang taas-baba ang kanyang hininga na halos mabitawan na niya ang hawak na libro dahil hindi makapaniwala sa nababasa. Werewolf is really exist? Vance is an Alpha and he turned him into werewolf? and he called, Gamma...and Gamma can get pregnant? Pregnant!
Tuluyan niyang nabitawan ang libro at natutop ang sariling bibig. Men can get pregnant?
Holy s**t!
I can give you a family that you wanted...
Naalala niyang sabi ni Vance. Kaya ba nito nasabi ang mga bagay na 'yun dahil sa mga uri nila ay pwedeng mabuntis ang katulad niya? Totoong gusto niyang maging malaya at matanggap ng kanyang ama pero hindi sa ganitong paraan! Ano na lang ang mangyayari sa kanya ngayon? Lalo siyang hindi matatanggap ng ama niya. Nakuyom niya ang kamao. Sinira ni Vance ang tahimik niyang mundo. Binago nito ang buhay niya sa hindi niya kagustuhan!
Dinampot niya ang libro at muling nagbasa. Kung may paraan para maging werewolf siya, siguradong may paraan din para muli siyang bumalik sa dati. Gamma can turn back into a human body if he can kill the Alpha who turned him into a Gamma. Bigla siya inatake ng galit sa dibdib na ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Gusto niya iyong ilabas at ibuhos lahat kay Vance. May nararamdaman siya sa katawan niya na tila iyon sasabog kapag hindi pinakawalan.
Kailangan niya makaisip ng paraan para makalapit kay Vance na hindi naghihinala ang iba at pagkatapos tsaka niya ito papatayin..