A/n: This is not a typical love story ending you want. Sabi nga nila may nangyayari talaga sa buhay mo na hindi mo inaasahan, pero ang lahat ng iyon ay may dahila. The next update will be the Epilogue. Happy reading! Ate Sam ❤ MARAHAN na bumaba mula sa hospital bed si Rafael. Nangangalay na siya sa maghapon puro na lang higa ang ginagawa niya. Gusto niyang maglakad-lakad at magpahangin sa labas. Humakbang siya papunta sa pinto kuway pinihit iyong pabukas. Pero nahinto ang akma niyang pagbukas nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang Epsilon na naka tokang magbantay sa kanya ng araw na iyon. "Narinig kong nasa kapahamakan si Alpha Vance. Sana lang mailigtas siya." Sabi ng isang Epsilon. "At nalaman ko din na ang kapatid niya at ang dating Luna ng Moon pack ang kumidnap sa kanya." N