BUMANGON mula sa pagkakahiga si Rafael. Tumingin siya sa alarm clock na nasa bedside table. Alas-dose na ng hating gabi ngunit hindi pa umuuwi si Vance. Dapat nasanay na siya dahil isang linggo na rin itong parating ginagabi ng uwi, kung minsan inuumaga na. It's been three days since they stay here. Everyday went smoothly, pero para kay Rafael para siyang isang preso. Hindi niya magawa ng tama ang trabaho niya at wala pa siyang update sa kompanya. Ni hindi pa rin niya nakakausap si Vance mula nang gabing 'yon, halata namang iniiwasan siya nito. Umalis siya sa ibabaw ng kama nang makarinig niya ang pamilyar na ugong ng Lamborghini ni Vance. Halos takbuhin na niya ang balkonahe para silipin ang bagong dating. Nang makita niyang bumaba si Vance sa driver's seat ay patakbo siyang lumabas ng