Nanatiling tahimik si April habang walang emosyong nakatingin kay Lukas. May dala-dala itong dalawang brown paper bag na alam niyang pagkain mula sa restaurant ang laman habang ang isang kamay nito na may dalang brown paper bag ay hawak ang handle ng payong na hindi niya alam ni April kung saan nito nakuha.
Mas lalo lang nakaramdam si April ng hiya dahil sa mga pagkaing nabili ni Lukas para sa kaniya o sa kanilang dalawa. Ilang minuto silang nasa loob ng restaurant at pareho silang dalawa nag-effort para maka-order ng pagkain at makahanap ng makakainan ngunit wala ni isa sa kanilang dalawa ang nakakain sa pagkaing dala-dala ngayon ni Lukas.
Napabuntong-hininga na lang si April pagkatapos ay napayakap sa kaniya sarili habang nararamdaman ang kaniyang kasuotan na pareho ng mabigat sa kaniyang katawan dahil sa pagkabasa.
Bahala na. Babayaran ko na lang siya sa oras na makuha ko na ang sahod ko.
Hindi alintana ni April ang lamig ng temperatura na ngayon ay nagsisimulang yumakap sa kaniyang katawan. Nanatili siyang nakatayo sa isang tabi ng sidewalk habang pareho silang dalawa ni Lukas nakatingin sa isa't isa.
"Do you really want to catch a cold?!" may kalakasang tanong ni Lukas sa kaniya dahil sa malakas na pag-ulan. Nakakunot ang noo nito"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
Hindi maiwasan ni April na mapangisi dahil sa sinabing iyon ni Lukas. Mukha itong galit sa hindi niya malamang dahilan. Maging ang panga nito ay nag-iigting habang nakatingin sa kaniya na kaniya namang ikinataka.
Anong problema nito? Tanong ni April sa kaniyang isip pagkatapos ay napahilamos sa kaniyang mukha na ngayon ay basang-basa dahil sa malakas na pag-ulan. Bakit siya pa ang galit? Siya na nga ang napahiya at itinulak nito kanina, ito pa ngayon ang mukhang inis.
At ano bang pakialam nito kung gusto niyang maligo sa ulan? Wala naman itong dapat ikagalit dahil humingi lang naman ang bestfriend niya kay Lukas na ihatid siya since may utang ito sa kaibigan niya. Ang dapat lang naman nitong isipin ay ang maihatid siya ng buo kay Hailey.
"So ano? Ganiyan ka na lang?" sabi ni Lukas na ikinataas niya ng kilay dito. "Maliligo ka sa ulan tapos magkakasakit ka. Iyon ba ang gusto mo?" saad nito na ikinaikot na lang ni April ng mata.
Hindi pa obvious?
Iyon nga ang gusto niyang mangyari. She's tired and hurting. Kung ang pagkakasakit ang tanging lunas para makapagpahinga siya sa lahat ng sakit na ibinigay at ipinadama sa kaniya ni Julian, gusto niyang magkasakit nang sa gano'n ay makapagpahinga naman siya mula sa mundo na hindi lang pag-ibig ang nakakadurog ng pagkatao kung hindi pati na rin ang mga salita na galing sa mga taong mas angat ang ganda kaysa sa kaniya.
"It's best if you get inside first," walang ekspresyon ang mukha na sabi ni April kay Lukas na mas lalong kumunot ang noo dahil sa sinabi niya habang patuloy ang malakas na pagbagsak ng ulan.
"What the f**k is your problem?!" tila napipikon na sabi ni Lukas sa kaniya. "If you want to get in trouble, huwag mo na akong idamay, puwede?"
Mapaklang natawa si April sa sinabing iyon ni Lukas. Ano bang sinasabi niyang idadamay ko siya? Kaya nga pinapapasok niya muna ito sa loob ng sasakyan nang sa gano'n ay hindi ito maulanan hindi kagaya niya na basang-basa na sa ilalim ng ulan.
"Kaya nga pumasok ka na muna, puwede naman hintayin mo na lang ako sa loob ng kotse," nakangiti at may halong panunuyang sabi ni April na mukha naman hindi nagustuhan ni Lukas dahil sa mas lalo lang kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.
"No, what are you even--- argh!" inis na sabi ni Lukas bago ito nagsimulang maglakad papalapit sa kotse.
Tahimik lamang si April habang pinapanood si Lukas nang makalapit ito sa kotse at ipinasok ang dalawang brown paper bag na hawak nito sa loob ng kotse. Nang mailagay ni Lukas ang mga paper bag sa loob ng kotse, napataas ng kilay si April nang malakas na isarado ni Lukas ang pinto ng kotse bago ito humarap sa kaniya.
"What?" walang emosyon na tanong ni April.
Ilang segundo silang nakatingin sa isa't isa hanggang sa yumuko si Lukas at bumuntong-hininga. "Get inside now, please," mahinahong sabi ni Lukas na kaniya namang ikinataas ng kilay.
"Why don't you go inside and leave me alone?" sabi ni April na tila ikinabigla ni Lukas dahil sa biglang pagbabago ng ekspresyon nito sa mukha.
Napailing-iling naman si April habang nakakaramdam ng pagkakonsensya. Lubusang pagkahiya na ang nararamdaman ni April dahil mukhang naaabala na niya si Lukas. Ang dapat lang na trabaho nito ay ang ihatid siya nito kay Hailey ngunit mukhang napapatagal pa sila dahil sa pagiging maarte niya.
But April never felt so good while getting soaked under the rain. Ilang beses na siyang nasaktan at lumuha ng sobra ngunit kahit kailan ay hindi umulan ng panahon na iyon. Hindi kagaya ngayon na tila maging ang klima ay nakikisama sa nararamdaman niyang sakit mula sa pakikipaghiwalay kay Julian.
Masarap sa pakiramdam ni April ang malalaking bagsak ng ulan at kahit na malamig, gusto niya ang pagkakayakap ng kasalukuyang temperatura sa kaniyang katawan kung kaya naman gusto niya muna magbabad sa ulan.
"Leave me alone, please. I just need a minute. Papasok din ako mamaya sa kotse," muling sabi ni April na muli na namang ikinakunot ng noo ni Lukas ngunit hindi na niya iyon pinansin bagkus umatras siyapapalayo mula sa kotse.
Patuloy ang malakas na pag-ulan at tila mas lalo pa iyon lumalakas bawat minutong lumilipas ngunit walang pakialam si April doon. Patuloy na umaatras si April papalayo sa kotse na nakita niyang ikinabuntong-hininga ni Lukas bago ito umiling-iling at binuksan ang pinto sa parte ng driver's seat.
Mahinang napangiti naman si April dahil sa nakikita niyang reaksyon ni Lukas. That's right. Let me be just for a minute. Alam niya na ginagawa lang nito ang tama dahil sa may utang ito kay Hailey na matalik niyang kaibigan niya ngunit hindi niya naman balak na mapahamak si Lukas kay Hailey. Alam niya ang pinupunto nito ngunit iba ang gusto niyang mangyari kahit isang oras lang. Mag-gagabi na rin naman kung kaya't nakikita niya ang dahan-dahang pag-unti ng tao sa buong street kung nasaan sila.
Gusto niyang hayaan muna siya ni Lukas na mag-senti. Gusto niyang mapag-isa habang ninanamnam ang kasalukuyang malamig na temperatura na ngayon ay nanunuot sa kaniyang pagkatao. Iyon lang ang gusto niya dahil sigurado rin si April. Sa oras na makarating siya kay Hailey, muli na naman niyang haharapin ang sakit na ibinigay sa kaniya ni Julian. Hindi puwedeng hindi nila pag-uusapan ang nangyari dahil kilala ni April si Hailey.
Bukod sa mausisa ang kaibigan niyang iyon, namumuna rin ito at nagagalit na ayaw niya sanang mangyari sa oras na makauwi siya kay Hailey.
Napabuntong-hininga na lang si April bago niya tinalikuran ang direksyon kung nasaan ang kotse at si Lukas. Mag-iisang hakbang pa lang si April sa gitna ng kalsada pagkatapos niyang tumalikod nang biglang mahagip ng paningin ni Lukas ang mabilis na tumatakbong motor papunta sa gitna ng kalsada kung nasaan si April na hindi pansin ang mabilis na motor sa kaniyang direksyon.
Mabilis ang mga naging pangyayari dahil ang tanging narinig na lang ni April ay ang malakas na pagsigaw ni Lukas ng kaniyang pangalan bago niya narinig ang malakas na preno ng motor sa kaniyang kanan at nakita ang nakakasinag na ilaw mula sa headlights ng motor na ngayon ay isang metro na lang ang layo mula sa kaniya.
Tila sinubukan pa ng driver na pigilang mabangga siya dahil sa biglang pagtagilid ng motor nito ngunit hindi tumigil ang motor sa nangyaring iyon bagkus ay nagtuloy-tuloy pa iyon sa paggalaw dahil pagiging madulas ng kalsada gawa ng malakas na ulan habang ang kanang bahagi ng motor ay gumagasgas sa aspaltong konkreto.
Napalunok na lang si April habang nararamdaman ang kaniyang katawan na tila hindi na niya maigalaw. Papalapit nang papalapit ang motorsiklo sa kaniya kahit na sa nakikita ni April ay tila bumagal ang mga nangyayari sa kaniyang paligid. Napapikit na lamang si April habang hinihintay ang ini-expect niyang malakas na pagtama ng motor sa kaniya.
God, ito na ba iyon? Sabi ni April sa kaniyang isip habang naririnig ang malakas na pag-ulan sa kaniyang paligid. May nagawa ba akong masama dati para maging deserve ko na maging broken hearted bago mamatay?
Napahinga na lang si April habang nararamdaman ang pag-iinit ng kaniyang mata. Naiiyak siya dahil sa pinaghalong sakit at lungkot. Hindi niya maiwasang mapatanong kung bakit tila ang malas niya. Kung bakit ang malas niya sa love life niya. Kung bakit kinulang siya sa ganda para maging accept siya ng mga kapamilya ni Julian na alam niyang hindi siya gusto.
All the years of her existence, naging mabait naman siya sa kapwa niya. Wala siyang maalalang inagrabyadong tao para sapitin ang buhay niyang puno ng lungkot at sakit na ngayon ay mukhang magtatapos na rin.
Gusto pa ni April na lumaban. Gusto pa ni April na magpatuloy. Kailangan niya lang naman ay ang magpahinga kahit nagsasabi siyang pagod na siya. Nasaktan lang naman siya pero ayaw na niyang bumalik sa estado kung saan halos magpakamatay siya dahil sa nasaktan siya gawa ng pag-ibig ilang taon na ang nakalipas.
Pathetic, it is but she already learned her lessons. Natuto na siya na kapag nasaktan siya muli dahil sa pag-ibig, hindi niya sasayangin ang buhay niya. Tapos na siya sa parte ng buhay niyang iyon ngunit kung ang gusto ng panginoon ay ang tapusin siya talaga ang buhay niya, wala na siyang magagawa pa roon.
So this is my end. Good thing at umuulan dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni April gawa ng masarap na pakiramdam ng ulan sa kaniyang balat at ang nanunuot na lamig sa kaniyang pagkatao.
Mabuti na lang talaga. Tanging nasabi ni April bago naramdaman ang tila kakaibang paggalaw ng hangin sa kaniyang paligid. Malakas ang pagtama ng hangin sa kaniyang balot na may kasamang unting init na kaniyang ikinataka habang nakapikit nang bigla na lamang niyang naramdaman ang pagbangga ng matigas na bagay sa kaniyang katawan.
Nakapikit siya ng tuluyan niyang marinig ang tila matinis na tunog ng bakal mula sa motor na gumagasgas sa aspalto na kalsada.
Oh, my god! Did it hit me? Napakunot ng noo si April habang pinapakiramdam ang kaniyang sarili at nanaas lamang ang kaniyang kilay nang tangi niya lamang naramdaman ay ang pagkabasa ng kaniyang suot na damit at ang pinaghalong lamig at init na ngayon ay parang nakabalot sa kaniya.
Maybe it did hit me. Sabi ni April sa kaniyang sarili. Maybe I'm already being lifted to the light that gives me this warm feeling now. Napangiti na lang si April dahil sa iniisip niyang iyon.
"s**t! Anong nangyari?!" biglang malakas na sigaw ng isang boses ng babae na muling ikinataas ng kilay ni April.
Bakit ang ingay? Wala pa rin ba ako sa langit? Tanong ni April sa kaniyang sarili habang naririnig ang mga kakaibang tunog ng pagyabag sa kaniyang paligid kasabay ng mga bulong-bulongan.
"Hala, ano kaya ang nangyari sa may-ari ng motor?"
"May nakakita ba sa inyo ng nangyari?"
"Hindi ko nakita iyong nangyari kasi nasa loob kami ng building."
"Baka gawa ng madulas na kalsada kaya naaksidente si Kuya."
Sari-sari ang mga naririnig na pag-uusap ni April sa kaniyang paligid ngunit ang kaniyang ikinatigil ay ang tila mainit na paghinga sa kaniyang mukha na para bang may tao na malapit sa kaniyang mukha.
Was it the angel designated to help me enter the heaven? Muling napangiti si April nang mas lalong maramdaman ang tila mainit na pakiramdam na ngayon ay nanunuot sa kaniyang basang-basa na katawan.
Ganito pala ang pakiramdam kapag namatay at papunta sa heaven. Komento ni April habang hindi pa rin idinidilat ang kaniyang mata. It's kind of soothing. Iyong pakiramdam na para bang lahat ng problema niya habang buhay pa siya ay tinanggal sa kaniyang pagkatao.
"Please don't tell me that you are smiling because you thought that you are dead?" sabi ng pamilyar na boses kay April kung kaya't do'n na siya mabilis na napamulat.