Pissed. That's the word to describe what kind of expression April is seeing from Lukas. Hindi niya alam kung anong nasabi niyang mali. Nakaangat ang kilay ni Lukas habang ang noo naman nito ay nakakunot habang mata nitong intense tumingin ay nakatitig sa kaniya.
Tahimik na napalunok si April kapagkuwan ay umiwas ng tingin bago nagsalita. "What? Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Ayaw ko na tinititigan mo ako ng ganiyan." Mabilis ang t***k ng puso ni April pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.
Ano bang problema nito at parang mas apektado pa siya sa nangyari sa akin? Tanong ni April sa kaniyang isip kapagkuwan ay napabuntong-hininga.
"Look. Iyong tanong ko, madali lang iyon sagutin. Gusto ko lang marinig galing sa iyo kung paano mo ako nasagip kasi ang imposible," sabi ni April kapagkuwan ay napatingin sa gitna ng kalsada kung saan huli niyang naaalala ang sarili na nakatayo habang hinihintay niya ang motor na sumalpok sa kaniya. "Hindi ko mai-imagine kung paanong mabilis mong naihakbang ang katawan mo kung saan ako huling nakapuwesto samantalang alam ko na ilang metro na rin ang layo ko sa iyo habang malapit ka sa kotse."
"I just answered you the truth. I'm a six footer with a pair of long legs. The possibilities that I can save you is almost eighty percent since I'm also a runner back when I was still in my college," sagot ni Lukas sa kaniya. "And for your information, since you are eager to know the truth. I let my self slide in the hood of the car just like those scenes in action movies just so I can save you."
April was taken aback to what Lukas just said. Now, it's possible. Ang maligtas siya ni Lukas sa gano'ng paraan. Hindi ni April inakala na aabot sa gano'ng punto si Lukas para lang iligtas siya. Nakagawa si Lukas ng mabilis na paraan kahit napaka-imposible na mailigtas siya at ngayon, mas lalo lamang lumala ang nararamdamang hiya ni April kung kaya't napailing-iling na lamang siya pagkatapos ay tumalikod.
"S-still..." nahihiyang sabi ni April. "I... I did not ask for your help. You should have just let me to die," sabi ni April pagkatapos ay muling naalala kung anu-ano ang mga nangyari sa buhay niya ilang oras na ang nakalipas.
Nalaman niya na muli na naman siyang niloko ng taong pinagkatiwalaan at kaniyang minahal. Muli na naman nasayang ang oras at ang efforts niya sa taong hindi naman pala siya tunay na mahal. At ngayon, habang siya ay nasa puntong sobrang wasak ang kaniyang puso at pagkatao gawa ng mga taong tinapak-tapakan siya gamit lang ang mga salita, muntikan na siyang madisgrasya kung hindi lamang siya niligtas ni Lukas na hindi na sana ginawa pa ni Lukas.
Gusto sana ni April na magpahinga ngunit walang pinagkaiba ang pagpapahinga sa kamatayan na muntikan nang mangyari sa kaniya ilang minuto lang ang nakalipas kung hindi lang siya nailigtas ni Lukas.
"Are you saying that you don't want to live?" rinig ni April na tanong ni Lukas kung kaya't napabuntong-hininga na lamang si April.
Hindi alam ni April kung anong sagot sa tanong na iyon ni Lukas.
I just want to rest.
"Gano'n mo ba kagusto mamatay na hindi mo man lang naiisip kung sino ang mga iiwanan mo kung natuluyan ka kanina?" tila inis na sabi ni Lukas kung kaya naman bahagyang napalingon si April kay Lukas na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya.
Mukha na naman itong inis sa hindi niya malaman na dahilan kung kaya't napahinga na lamang siya ng malalim bago niya muling tinalikuran si Lukas.
Kadalasang sinasabi ng iba, mahirap intindihin ang mga babae. Lagi niya iyong naririnig mula sa mga naging kasintahan niya noon. Sa tuwing hindi kasi niya nagugustuhan kung
Hindi niya rin naman alam kung anong isasagot sa sinabi nito. Ayaw naman ni April na mag-isip si Lukas na suicidal siya.
Wala rin naman kasing mangyayari kahit na ikuwento niya kay Lukas kung anu-ano ang mga nangyari sa kaniya. Hindi naman niya ito kilala. Nakilala niya lang si Lukas ilang oras na ang nakalipas gawa ni Hailey at mas lalo rin nakakahiya kapag nag-open up siya at hindi naman pala interesado si Lukas sa buhay niya na puno lang ng sakit at lungkot.
He is a man, after all. Kung mayro'n man papakinggan si Lukas, usapang lalake iyon. Ayaw niyang magmukhang tanga na naman sa oras na pilian niyang magsalita. And lastly, hindi naman na kailangan pa ni Lukas na malaman ang istorya niya. Ilang oras lang din naman sila magiging magkasama hanggang sa maihatid siya nito kay Hailey. Pagkatapos no'n, wala na.
Nabayaran na ni Lukas kung ano man ang utang nito kay Hailey. Sigurado si April na kahit isang beses ay hindi na niya muling makikita pa si Lukas.
"Let's go," pagod na sabi ni April habang hindi hinaharap si Lukas. "Gabi na. Gusto ko na rin magpahinga."
"No. We are not going, Missy. You are not okay. I don't even know if you're fine or not," rinig niyang sabi ni Lukas kung kaya naman napabuntong-hininga na lang si April.
Bakit parang ang kulit niya? Noong una niya itong nakikila, mukha itong isnabero pero ngayong nakasama na niya ito ng ilang oras. Lumalabas ang pagiging makulit nito. Natatandaan niya pa na kanina lang habang nasa loob siya ng restaurant kasama si Lukas, nakita na niya itong ngumiti. Guwapo si Lukas kahit na nakasimangot ito noong una niya itong makita pero nang makita niya itong ngumiti, mas lalo lamang niya na-realize na mas angat ang kaguwapuhan ni Lukas kaysa kay Julian.
"Okay lang ako," sagot ni April sa sinabi ni Lukas kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "We should really go. Gusto ko na magpahinga."
Nanatiling tahimik si April habang nakatitig kay Lukas na ngayon ay tila nawala ang inis sa hindi niya malamang dahilan. Dahil do'n ay hindi mapigilan ni April na maging curious sa kung ano ang iniisip ni Lukas.
Maybe, he's starting to think that I'm someone suicidal. Sabi ni April sa kaniyang isip kung kaya napayuko na lang siya. Ayaw niya talaga na mag-isip ng gano'n si Lukas sa kaniya. Ayaw niyang umabot sa punto na maging ito ay maawa sa kaniya dahil hindi niya kailangan ang awa nito. Mas okay pa sa kaniya na nakilala niya ito dahil kay Hailey pero bukod do'n, ayaw na niya na makilala pa nila ang isa't isa.
"Is that the reason why you wanted to die?" biglang sabi nito na ikinabigla ni April.
Wala itong ekspresyon habang nakatingin sa kaniya kaya naman medyo napakunot na lang siya ng noo. Ano na naman kasi ang iniisip nito? Wala naman siyang sinabi talaga na gusto niyang mamatay. Well, sinabi niya nga na sana pinabayaan na lang siya nito na masalpokan ng motor kanina pero hindi rin talaga sigurado si April sa gusto niyang mangyari.
All she know is that she's hurt and that she want to take a rest from everything but she can't rest immediately if they stay longer. Pagod na pagod na siya at dahil sa mga nangyari, down pa siya.
"Can we stop the questions from here. I'm just..." Napabuntong-hininga si April bago siya muling umiwas ng tingin kay Lukas na ngayon ay nakataas na ang isang kilay habang nakakunot ang noo sa kaniya. "I'm just tired so please..."
Ayaw nang magsalita talaga ni April. Gusto na lang niyang talikuran si Lukas at lumapit na sa kotse para pumasok ngunit ayaw niya rin itong mabastusan sa oras na ginawa niya iyon. Kinakausap siya nito kung kaya't hindi niya puwedeng basta-bastang talikuran si Lukas. Ang tanging puwede niya lang gawin ay ang patigilin na ito sa pakikipag-usap sa kaniya.
"That's okay..." sabi nito na muli niyang ikinatingin kay Lukas.
Saglit na natigilan si April dahil kay Lukas na ngayon ay nakangiti na naman ng malawak sa kaniya. What's with him? Why is he smiling? Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang iniisip nito. Anong sinasabi nitong okay?
"What do you mean okay? Ang sinasabi ko, gusto ko nang magpahinga," nakakunot ang noo na sabi ni April.
"Yeah, yeah. Whatever. But I just want to say..." Mas lalong lumaki ang ngiti na nakaguhit sa labi bago nito tinuloy ang sasabihin. "If you want to die, don't do it," sabi ni Lukas na ikinatigil ni April.
W-why? Hindi niya talaga maintindihan. Does he even care? Hindi niya maintindihan kung bakit parang nagiging madaldal si Lukas kahit na ilang oras lamang ang nakalipas nang makilala niya itong englisherong masungit at mukhang isnabero.
"You know when you are in pain, it's okay to feel tired. Magpahinga ka nang magpahinga until you feel okay. Okay is still a start for a change," sabi sa kaniya ni Lukas kung kaya't mas lalo lang napakunot ng noo si April.
Hindi maintindihan ni April kung anong ginagawa ni Lukas. Hindi niya alam kung seryoso ba itong sinasabihan at pinapayuhan siya o baka naman pinaglalaruan lang din siya nito. Ayaw niyang maging judgemental pero hindi naman siya kasi maganda kagaya ng mga babaeng waitress at mga kababaihan kanina sinabihan siyang ambisyosa. Mukha siyang nerd na manang para maging concern sa kaniya si Lukas.
"Whatever," nanghihinang sabi ni April at dahan-dahang napayuko.
Lukas doesn't care about me. It can not be. Kung kanina ay posible siyang nailigtas ni Lukas, ngayon ay sigurado si April na dahil lang iyon sa takot nitong hindi mabayaran ang utang kay Hailley kung ano man ang utang nito. Kilala niya si Hailey at sa buong friendship nila, naobserbahan na niya kung paano mag-isip si Hailey lalo na kapag may hindi ito nagustuhan kagaya na lamang kapag pinabayaan siyang gutom ni Lukas habang bumabiyahe.
Naiisip ni April na maari rin na nagsisimula na itong maawa dahil sigurado siya na iniisip nitong gusto niya na wakasan na ang buhay niya kahit na maging siya ay naguguluhan sa nararamdaman niya.
"Being hurt really does make a person want to end her life but are you sure about that?" Pagpapatuloy ni Lukas sa sinasabi nito. "Are you sure that death can save you from the pain you are getting tired to endure?"
I... Napabuntong-hininga na lang si April dahil sa tanong na iyon ni Lukas. I don't know the answer to that. Sabi ni April sa kaniyang isip habang muli na namang naaalala ang lahat ng nangyari sa kaniya.
Ilang beses na rin naman na kasi siya nasaktan kung kaya't ilang beses na rin dumaan sa isip niya ang pagwakas sa buhay niya. Immature kung tignan ngunit ano bang magagawa niya sa mga panahon na mahina talaga siya bilang tao.
Nanggaling lang naman kasi siya sa pamilya na hindi rin siya magawang tulungan na ma-boost ang kompiyansa niya sa sarili bagkus ang mga salita pa ng mga kapamilya niya ang nakapagpahila sa kaniya pababa. Dahil do'n, lumaki siya na mababa ang kompiyansa sa sarili hanggang sa natutunan niya kung paano magmahal.
She was in her senior high school when she first really fell in love with someone after Gian. Na-love at first sight siya at nang mapansin rin siya ng lalake, hindi niya alam pero pakiramdam niya noon ay siya na ang pinakamasaya at masuwerteng babae sa mundo. Jason is a man who cares about her feelings. Malayong-layo ito kay Gian na naging sanhi para magkaroon siya ng breakdown. At kagaya ni Julian, napaka-thoughtful ni Jason habang silang dalawa ay magkarelasyon.
Dahil kay Jason, natutunan na niyang buksan ang sarili niya para sa mga taong gustong makipagkaibigan sa kaniya. She thought that their relationship was already enough to make her happy but friendship with Jason's friends also make her more happier.
Na-realize niya ang mali niya at nagpapasalamat si April na dumating sa buhay niya si Jason. Her life has been wonderful since then. Jason is someone who belongs from a clique of music and aside from that, Jason was considered to be called as the Sweet Prince since he really does know how to catch everyone's heart, including their teachers.
Napakatino ni Jason sa tuwing naaalala ni April ang mga pinagsamahan nila noon ni Jason ngunit ang hindi niya inakalang mangyari ay nangyari.
Jason just happened to be the cruelest person in their school.