45

2034 Words

Tahimik na napabuntong-hininga si April pagkatapos niyang marinig ang lahat ng pinag-usapan ng dalawang babae na nagkukuwentuhan tungkol kay Julian at sa mga kasalukuyang isyu ng damuho niyang ex. Lahat ay narinig at sa huli ay pareho rin siyang nainis sa dalawang babae.  Kung ang isa na nagkukuwento tungkol sa mga kasalukuyang isyu ng ex niya ay fan ng ex niya, ang isa naman ay napaghahalataang kumakampi sa nahuli niyang kinakalantari ni Julian na si Macy Perada. Halos ilang minuto rin siyang nakinig sa pinag-usapan ng dalawa kung kaya't sapat na ang mga narinig niya para masabi na parehong tanga ang dalawang babaeng pinakinggan niya.  Well. Tanga rin naman siya. Iyon nga lang ay hindi na siya bulag. Gising na siya sa katotohanan at ang mga dapat niyang malaman ay alam na niya. Niloko s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD