After Hailey hung up, April indeed started her relaxation stage. Muli siyang pumasok sa loob ng kotse kapagkuwan ay ibinaba ang level ng kaniyang upuan para makahiga siya. Nanatili siyang tahimik habang pinapanood ang pag-alon ng tubig mula sa dagat papunta sa dalampasigan.
Hindi niya rin kinakalimutan na i-text si Hailey para naman makasimula siya sa pagbawi sa kaibigan niya. Alam niya kung gaano niya nasaktan si Hailey. Maraming beses na niya ito nakitang umiyak at alam niya ang bawat detalye kung bakit ito nasaktan. Mula sa mga bagay na alam niyang matapang na haharapin ni Hailey hanggang sa mga bagay na alam niyang iiyakan nito. They indeed bonded well that's why she know how hurt Hailey.
Tagos sa puso ang sinabi nito sa kaniya isang oras na ang nakalipas. Tila naging sampal sa kaniya ang mga sinabi ni Hailey para magising siya at bumalik sa dati niyang sarili. Naiintindihan niya ang punto ni Hailey at tama ito na kahit kailangan ay hindi dapat nakaapekto ang relasyon nila ni Julian sa friendship nila ni Hailey.
And after everything that Hailey said, now she's feeling embarrassed. Nahihiya siya kay Hailey dahil mas pinili pa niya ang relasyon nila ni Julian kaysa sa solid at matagal na nilang pagkakaibigan ni Hailey. She feels like the worst person living. Mula sa kaniyang appearance hanggang sa mga taong mahal niya, lagi siyang palpak. Laging may dahilankung bakit binitawan siya ng mga ex-boyfriend niya. Lagi siyang may maling desisyon na at the end, si Hailey pa rin ang nagko-comfort sa kaniya.
She feels like the worst friend ever. Nahihiya siya sa mga naging desisyon niya noong habang magkasama pa sila ni Julian ngunit nagpapasalamat na rin siya at natanggalan siya ng tao sa kaniyang buhay na walang maidudulot na mabuti sa kaniya. Nagpapasalamat siya at hindi na inabot ng ilan pang taon ang pagsasama nila ni Julian dahil kung hindi ay mas lalo siyang magmumukhang tanga.
Napabuntong-hininga na lang si April habang nakatingin sa dagat. Pinanatili niyang nakabukas ang window ng kotse dahil nasasarapan siya sa hangin na dala ng dagat.
God, I'm so tired. Sabi ni April sa kaniyang sarili kapagkuwan ay napatingin sa side mirror ng kotse sa kaniyang bahagi. Napanguso na lang siya nang makita pa ang pamamaga ng kaniyang mata. Ang mga mata niya na kakulay ng kape na ngayon ay tila malungkot na nakatingin sa kaniyang sarili. Namumula din ang ilong niyang bahagyang naka-angat samantalang ang kaniya naman labi ay nagsisimula nang manuyo.
Kung patuloy pa siguro siyang umiyak, baka maubusan na siya ng tubig sa katawan. Wala pa naman siyang baon na kahit anong tubig. Five percent na lang din ang baterya na natitira sa cell phone ni April kung kaya't pinag-dedebatihan pa niya kung kokontakin niya si Hailey o maghihintay na lang siya sa pagdating ng magre-refill ng gasolina sa kotse ni Julian.
Sa huli ay naisipan na lamang ni April na huwag kontakin si Hailey. Lalo na at nakabukas ang GPS ng kaniyang cell phone. Kailangan niyang iwasan na hindi ma-low battery kaagad ang cell phone niya para patuloy siyang ma-track kung nasaan man siyang parte ng northwest sa kanilang city.
Meanwhile, April stayed quiet as she tries to relax her mind, but even if she already ended everything with Julian, she's still hurting. Of course, hindi naman madali mag-move on. It will always depend on the person if he or she wants to keep moving on, and in April's life, she's been four times heartbroken, including her and Julian's break up.
At kahit na apat na beses pa lang naman nag-failed ang mga naging relasyon ni April, malaki ang naging apekto sa kaniya ng bawat relasyon na kaniyang tinapos. Hindi niya rin malaman kung ang mga lalake na naging karelasyon niya ang may problema o siya mismo dahil sa mga sinasabing rason sa kaniya.
Napabuntong-hininga si April nang may malaman. "Right, I forgot to know Julian's reason." Sigurado si April na kung anuman ang rason ni Julian kung bakit nagawa siya nitong lokohin, dahil iyon sa s*x. Halata naman ang sagot simula nang makita niya ang tila naka-bundle na mga litrato ni Julian kasama ang iba't ibang mga babaeng naka-s*x nito na hindi niya alam.
Totoosin ay nagsimula na rin siyang makaramdam ng pandidiri kay Julian nang makita niya ang mga litrato ngunit dahil sa gusto niya munang makausap si Julian, kinalimutan niya ang pagiging judgemental although she has every right to be. Niloko lang naman siya ng ilang beses at laging siya pa ang tinuturong rason para magloko ang mga ex-boyfriend niya.
Tsk! Sa appearance na ba talaga tumitingin ang mga tao ngayon? Tanong ni April sa kaniyang sarili kapagkuwan ay napanguso na lang.
Ilang oras pa lang ang nakakalipas simula nang malaman niya ang pangloloko ni Julian sa kaniya. Nabibilisan siya sa mga nangyari ngunit para sa kaniya ay tama lang na malaman niya ang tunay na pagkatao ni Julian. Kahit pa masakit ang makipaghiwalay ay hindi siya puwedeng mag-stay sa isang tao na walang plano na maging matino sa kaniya.
Naiintindihan niya na kaakibat ng pagmamahal ang sakit at lungkot. Hindi mawawala iyon pero napakamali na nagawang magloko ni Julian dahil sa hindi niya ito mapagbigyan sa gusto nito. Para kay April ay hindi tamang magloko si Julian para rin sa iba nito makuha ang gusto nito na hindi niya kayang maibigay. Pinaalalahanan niya rin naman si Julian noong unang buwan pa lang ng kanilang pagsasama.
Sinabi niya na kung gusto nito kumawala mula sa kaniya ay malaya nitong gawin iyon, na sabihin ni Julian sa kaniya kung hindi na nito gusto mag-stay sa relasyon nila. Kaso naging gago pa rin si Julian at hindi inintindi ang mararamdaman niya sa pangloloko nito.
"Damn you, Julian. I told you to tell me," mahinang bulong ni April nang muling maramdaman na naiiyak siya.
Bawat segundong lumilipas, mas lalong bumabalik kay April ang mga nangari. She's tearing up again as soon as the cold breeze coming from the sea touched her skin.
"I told you to tell if you can't stay with me anymore. Alam ko naman na wala akong maibubuga. May taste ka at lahat ng babaeng ginalaw mo ay magaganda..." April said before wiping another tear that rolled down to her cheek. "... pero kailangan mo ba talaga ipamukha sa akin? Kailangan mo ba talaga sa akin ipamukha kung ano ang hindi ko kayang maibigay sa iyo?" bulong ni April habang nararamdaman ang kaniyang dibdib na muli na naman naninikip.
April continues to cry in silence as she watches every wave and feels the cold breeze coming from the sea. Nasasaktan siya pero umaasa na sana ay mabilis siyang makalimot. Nagawa na rin naman niya iyon sa mga dati niyang relasyon pero iba pa rin kapag bumabalik ulit ang sakit sa kaniyang puso at pagkatao. Nakakapagod at nakakamanhid ang sakit na ibinibigay sa kaniya ng mga naging ex-boyfriend niya.
Iyong klase ng pagod na gusto niya na lamang manahimik dahil sa isip niya ay wala naman mangyayari kung patuloy niyang iisipin ang hiwalayan nila ni Julian. There's no future for them anyway. Kahit hindi nila piniling mag-usap ni Julian para ayusin ang pagkakamali nila sa isa't isa, hindi rin na rin siya magiging kagaya ng dating April na mahal na mahal ang isang Julian Romero.
Nagpatuloy sa pag-iyak si April habang kinakain ng pagod at lungkot ang kaniyang pagkatao. And as her eyes started feeling heavy, she let herself dozed off. Not even caring if she's alone or not.
When April woke up, she's still inside Julian's car. Maaraw pa rin naman kung kaya't kinuha ni April ang kaniyang cell phone para tignan ang oras. Napakunot siya ng noo nang makita na mag-aalas dos pa lang ng hapon. Hindi niya rin kasi napansin ang oras noong kausap niya si Hailey kung kaya't napapaisip siya kung ilang oras na siyang naghahantay para sa maglalagay ng gasolina sa kotse ni Julian.
April yawned, and her eyes watered as the effect of her dozing off out of tiredness. Her face also twisted as she feels her neck sore.
"Hay..." April said, sighing. Muli niyang isinadal ang sarili sa driver's seat kapagkuwan ay napapikit. "Dapat siguro hinantay ko na lang makapunta kanila Hailey para makapagpahinga," bulong ni April sa kaniyang sarili nang bigla siyang makarinig ng mahinang pagtawa sa kaniyang tabi.
Nanlalaki ang mata na napalingon siya sa passenger seat at gano'n na lamang ang kaniyang pagkagulat nang sa paglingon niya ay napunta na siya sa kakaibang kuwarto.
Nakaupo siya sa isang malaking kama na nasa gitnang bahagi ng kuwarto. Ang mga pader ay tila kakulay ng abo habang ang mga bintana naman ay natatakpan ng mga itim na kurtina. Maging ang mga kasangkapan na nakikita niya sa bawat parte ng buong kuwarto ay kulay itim. Kung wala lang ang chandelier at kandila sa tabi ng kama ay malamang wala siyang makikita sa buong kuwarto.
"Nanaginip na naman ba ako?" Tanong ni April sa kaniyang sarili kapagkuwan ay tumayo.
This is the second time I'm dreaming and switching to another place. Himbis na mabahala ay kalmadong sinuyod ng tingin ni April ang buong paligid hanggang sa muling dumako ang kaniyang paningin sa bedside table kung saan may nakapatong na wine. Dahan-dahan siyang lumapit sa bedside table kapagkuwan ay kinuha ang isang babasaging wine glass na may laman pang red wine.
"You truly are interesting."
"Who said that?!" mabilis at may kalakasang sabi ni April nang humarap siya sa buong kuwarto. Nang walang makita si April na tao sa buong kuwarto, muli siyang nagsalita. "Where are you? Show yourself!" matapang na sabi ni April kapagkuwan ay napalunok nang maramdaman ang kakaibang lamig na yumakap sa kaniyang katawan.
"Oh, there's time for that, my lady. For now..."
Nanlaki ang mata ni April nang bigla ay may dahan-dahang lumitaw na nakalutang na apoy sa dulo ng kuwarto. Nagsimula iyon mula sa maliit hanggang sa dahan-dahan iyong lumaki at nagpormang tao. Wh-what the heck is that? Tanong ni April sa kaniyang sarili ngunit nanatili siyang tahimik habang hinahantay na marinig muli ang boses ng lalake na laging lumilitaw sa kaniyang panaginip.
"For now, comforting you is my top priority," sabi ng malalim na boses ng lalake.
Everything became silent until the fiery human form in the opposite side of the room started walking towards April, making her eyes widen in horror.
"Oh, my God," tanging nasabi ni April habang nararamdaman ang panginginig ng kaniyang tuhod.
Dahan-dahan siyang umatras habang mabagal rin na humahakbang papalapit sa kaniya ang nilalang na nababalutan ng apoy sa buong katawan nito. Her heart is beating rapidly as she keeps her eyes to the fiery man whom she thinks is also looking back at her.