Nginitian din siya ni Julian, bagay na ikinairita niya. Kung hindi niya lang nalaman at nahuli kung gaano kalandi si Julian, malamang ay kikiligin na naman siya dahil nagiging guwapo talaga ang nobyo tuwing nangiti. Ngunit dahil alam na niyang isang gagong tao si Julian, nawala na ang kilig na kaniyang nararamdaman. Napalitan iyon ng galit at pandidiri sa taong akala niya ay iba sa mga lalakeng nakilala niya.
"But Julian, I'm not stupid..." sabi ni April na ikinawala ng ngiti ni Julian. "I'm not a fool to go back to you, Julian. Malandi ka, gago!" galit na sigaw ni April kapagkuwan ay sinapak ng malakas si Julian.
Napasigaw pa si Macy sa gulat dahil sa pagsapak niyang iyon kay Julian ngunit hindi niya pinansin si Macy. Ramdam ni April ang pananakit ng kaniyang kamao dahil sa malakas niyang pagsuntok kay Julian ngunit hindi niya rin iyon ininda bagkus napangisi na lamang.
Worth it kasi ang pagsapak niya kay Julian. Bukod sa may hawak siyang alas para gantihan ito, nabangasan niya rin ang mukha nito. Alam pa naman niya na may taping ito bukas para sa first episode ng isa sa mga project nito.
She feels so happy even if, she can feel her knuckles throbbing in pain. Naiiling na tumawa si April kapagkuwan ay kinuha muli ang cell phone niya para ipakita kay Julian na ngayon ay hawak ang dumudugo nitong bibig. Masama na itong nakatingin sa kaniya ngunit mas angat ang nararamdaman niyang tapang para kaharapin si Julian.
April smirk before lifting up her hands and showed to Julian what she has on her hand, Julian's car key. "I will borrow your car. Don't worry, I will send it back to you. Without... a... single... scratch," April said with a threat in her tone.
Undecided pa rin naman kasi siya kung gusto niyang iwan ng gasgas ang kotse ni Julian sa oras na ibalik niya ang kotse nito. Nanggigigil pa rin siya pero at the same, ayaw niyang magpadalos-dalos dahil bumabalik sa kaniya ang pangaral ng kaniyang Ama na huwag maging bayolente. Baka sa oras na makagawa siya ng malaking pagkakamali ay iyon pa ang ikapahamak niya.
April continued to put on her smug look as she stares back at Julian who's throwing her a glare. Halata sa mukha ni Julian na gusto siya nitong saktan ngunit alam ni April na malaki rin ang pagpipigil nito sa sarili na saktan siya dahil na rin sa hawak niyang alas. Kahit kuhain ni Julian ang cell phone niya, Julian will never know how to open her cell phone. Umpisa pa lang ay maingat na si April. Julian wanted to touch her cell phone back then but she convinced Julian that her cell phone is off-limits. Kahit din naman siya ay hindi pinapakialaman ang cell phone ni Julian. Sa una ay parang hindi natuwa si Julian sa kondisyon niyang iyon ngunit nang sabihin niya na may tiwala naman siya kay Julian which is true, nakumbinsi niya rin naman ito.
Sana pala ay matagal na niyang pinakialaman ang cell phone ni Julian. Nagmukha tuloy siyang tanga dahil kagaya ng ibinunyag ni Macy, apat na buwan na ang mga ito may ginagawang kababalaghan. Apat na buwan na siyang niloloko ni Julian. At kahapon ay ang first anniversary. Isang taon lang ang itinagal ng relasyon nila ni Julian ngunit nagpapasalamat na rin siya at maaga niyang nalaman ang kagaguhan ni Julian.
April smirked at Julian for the last time before darting her gaze on Macy who's looking at her, looking like a child silently crying. "Don't let this manwhore fool you again, Macy Perada. Love yourself instead," April said before turning her back on the two person that caused her heart to be torn into pieces again
She instantly grab her suitcase and walked out of the room. Mabilis na kumilos si April at agad na lumabas ng apartment nang maramdaman na nag-iinit na naman ang kaniyang mata. Muling bumalik ang sakit sa kaniyang dibdib habang tinatahak niya ang daan papunta ng elevator.
Nang makapasok sa elevator, agad na humalagpos ang nararamdaman niyang sakit mula sa kaniyang puso. After clicking the button for the lobby, April started crying, letting out the pain she's been trying to hide in front of Julian.
She continued crying until the elevator stopped. Hindi na siya nag-abala pa na punasan ang kaniyang mukha. Kahit na mukha siyang kawawa dahil namamaga niyang mata at namumulang ilong, patuloy siyang naglakad palabas ng lobby papunta sa parking lot kung saan alam niyang nakaparada ang kotse ni Julian. Hindi rin naman siya nahirapan hanapin ang kotse ni Julian dahil sa bungad pa lang ng parking lot ay kapansin-pansin na kaagad kung gaano kamamahalin ang kotse ni Julian.
Napasinghot na lamang si April habang tinititigan ang mamahaling kotse ni Julian. Kahit papaano ay nakaramdam siya nang takot dahil kung iisipin ay puwedeng magsampa ng kaso sa kaniya si Julian lalo na't mapera na rin ito. Wala siyang laban kahit na may alas siyang hawak para matakot sa kaniya si Julian.
Shit, April! Sabi ni April sa kaniyang sarili pagkatapos ay napahilamos sa kaniyang mukha habang patuloy pa rin siyang lumuluha. What did I get myself into?Maperang tao na si Julian. Paano na lang kung gamitin nito ang pera at connection nito para mapahamak siya? Hindi na niya alam kung anong puwedeng mangyari sa kaniya pero sana ay sobrang natakot niya si Julian sa hawak niyang ebidensiya ng panloloko nito.
April sighed before walking towards Julian's car and opened it. Inilagay niya muna ang maleta at bag niya sa passenger seat pagkatapos ay pumosisyon sa driver's seat. Napabuntong-hininga na lang si April nang sa wakas ay nakapasok na siya sa kotse ni Julian.
It's her second time actually being in Julian's car again. Noong unang nakapasok siya sa kotse ni Julian ay eight monts ago pa at pagkatapos noon, hindi na siya muling nakasakay dito dahil mas lagi na nitong ginagamit ang Suzuki Celerio na bigay kay Julian matapos nitong manalo sa isang game show.
Hindi malaman ni April kung maiinsulto siya sa desisyon na iyon ni Julian lalo na't alam naman nito kung gaano siya ka-excited noon nang i-date siya nito gamit ang mamahalin nitong kotse. At ayaw rin naman ni April magreklamo kay Julian dahil gusto niyang magkusa si Julian.
April wiped her cheek again as she decides to leave. Mabuti na lang na at naturuan siya ni Hailey mag-drive nang magka-kotse ito. Atleast, alam niya kung paano dalhin ang mamahaling kotse ni Julian. Hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Ayaw niya rin naman mang-isturbo kay Hailey dahil nahihiya siya. Sa oras din na malaman ni Hailey ang pangloloko sa kaniya ni Julian, alam niya na susugurin ni Hailey si Julian. Nakita na niya kung paano magalit si Hailey sa tuwing nasasaktan siya ng ibang tao and God knows kung paano siya kahirap pigilan si Hailey na makagawa ng ikakasama nito. Kaya sa huli ay napagdesisyunan ni April na mag-ikot sa buong city. Tumigil lang rin siya ng saglit para maka-order ng pagkain sa drive thru pagkatapos ay nagpasa ng naka-ready niyang vacation leave letter na hinanda niya talaga para sa anniversary nila ni Julian.
At the end, napagdesisyunan na lang din ni April na ibalik ang kotse ni Julian na walang kahit anong gasgas. Ilang oras na rin siya nag-iikot sa buong siyudad kung kaya't maraming oras rin siyang nakapag-isip isip ng gagawin dahil sa pagtatapos ng relasyon ni Julian. She wants to leave Julian's life in peace and she can only do it after giving back Julian's car without a sign of what she threats do earlier.
Alam rin naman niyang inaalagaan ni Julian ang reputasyon nito at patunay na ro'n ang pangtatraydor nito kay Macy habang kaharap niya silang dalawa kanina. Hindi niya rin talaga inaakala na magbababa ng pride si Julian para sa iniingatan nitong reputasyon at iwan ang biniktima nitong babae sa ere. Gustuhin man niyang maawa kay Macy Perada, naiinis pa rin siya. Kalahati ng pagkatao niya ang natutuwa na nalaman din Macy kung gaano kagago ang ugali ni Julian. It means na hindi lang din siya ang nasaktan sa huli.
April never wanted someone to be hurt but after what Julian did, she felt really betrayed. Ayaw niyang siya lang ang makaramdam ng sakit na idinulot ng panloloko ni Julian sa kaniya. Especially na pinili rin ni Macy na manghimasok sa relasyon nila ni Julian kahit na kahit sino ay alam ang maling ginawa nila.
April sob as she started to cry again. Just thinking about their ended relationship, it can always make feel miserable. Inakala niya rin kasi na si Julian na talaga. Alam niyang walang perpekto na tao pero dahil lang sa mga naging efforts ni Julian sa kaniya, naging bulag siya. Isang taon silang nagsama ni Julian at sa apat na buwan sa loob ng isang taon na iyon, nagawa ni Julian na itago ang kagaguhan nito.
"Ang gagong iyon. Kahit pa hindi ko alam ang rason niya, niloko niya pa rin ako!" naiiyak na sabi ni April kapagkuwan ay tinapakan ang accelerator.
She's pissed again. April can feel her chest tightening as images of Julian's infidelity flashes into her mind. Ilang oras na rin ang nakalipas kung kaya't hindi napansin ni April na uunti na lang ang gas. s**t! Bakit ngayon pa?
Gusto pa naman niyang puntahan na si Hailey kaso sa nakikita niyang warning para sa gas ng kotse ni Julian, alam niyang hindi siya aabot sa village kung saan nakatira si Hailey. At kahit gusto niyang i-refill ang kotse, wala siyang nakitang gas station habang nag-iikot sa lugar kung nasaan siya. Hindi niya kabisado ang lugar at ayaw niyang kumausap ng tao dahil minsan na rin siyang napahamak sa pagkausap sa taong hindi niya kilala.
April sigh as she picks up her cell phone and turned it on. Napalabi siya nang makita ten percent na lang battery ng cell phone niya. "Sana makontak ko kaagad si Hailey," sabi ni April kapagkuwan ay binuksan ang contacts sa kaniyang cell phone.
Saglit siyang nag-scroll down para hanapin ang contact ni Hailey hanggang sa makita niya ang pangalan ni Hailey. Pipindutin na sana niya ang call nang bigla rumehistro ang pangalan ni Hailey sa screen ng kaniyang cell phone. Thanks God! Mismong si Hailey na ang tumawag sa kaniya.
Mabilis niyang ini-slide ang answer button kapagkuwan ay inilapat ang cell phone sa kaniyang tainga.
"Hailey?"
"Walang hiya kang babae ka?! Pumunta ako kaninang umaga sa apartment niyo ni Julian, letse ka! Alam mo ba kung sinong bumungad sa akin?!"