Chapter Forty-one Maingat na sinusuklayan ni Xachary ang buhok ko. Nang sabihin kong matutulog muna ako ay hindi ito pumayag. Bukod kasi sa hindi pa ako nakapagsuklay ay basa pa ang buhok ko. Kaya ngayon ay narito kami sa couch. Busy ito sa buhok ko. Parang mas may interest pa ito sa buhok ko kaysa sa katawan ko. Nang huminto ito ay akala ko'y tapos na. Pero naramdaman kong lumapat sa batok ko ang labi nito. Napapikit ako dahil sa init na saglit na dumampi roon. Kung akala ng lalaki'y nawala ang init sa katawan ko dahil naligo na ako. Nagkakamali siya. Nararamdaman ko pa rin. Pero hindi ko na sinabi sa kanya dahil kita ko naman na buo ang loob nito na ipagpabukas ang lahat dahil sa pag-aalala niyang lasing ako. Hindi naman ako lasing. "I'm still wet, Xachary. Hindi ko alam kun