Chapter Eighty No. For sure itatanggi ni Josh ang lahat ng mga paratang sa aming dalawa. Pero bakit hindi niya ako tinimbrihan. Alam kong matalino ang lalaki. Alam kong hindi niya ipapahamak ang sarili at siyempre ako. Malabo. "Totoo ba ang paratang ng kumalat na article sa social media patungkol sa inyong dalawa?" Lahat kami'y nakatutok ang tingin sa TV. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa asawa ko dahil hindi ko tiyak kung ano ang magiging sagot ni Josh. "Yes." Sa akin yata ang pinakamalakas na singhap. "May relasyon kami ni Lita Romualdez De Dios." Walang kakurap-kurap na sagot ni Josh. Parang slow motion pa akong napalingon sa asawa kong nagsimula nang magwala. "Lita!" sigaw ni Veron. Halatang nabigla rin ito. "Matagal na kaming may relasyon... buhay pa ang aking asawa ay may rel