Chapter Seventy-six Nakita ko kung gaano katiyaga si Allegra sa pag-aasikaso sa kanyang Tiya. Hindi na ito nagwala. Sumusunod din sa kasintahan ko. Para itong takot na namang naiwan kaya gagawin ang lahat para ipakitang deserving siyang isama kahit saan. Napaliguan na ito ni Allegra. Napakain at pati pag-inom ng vitamins nito ay tapos na. Pero may malaking problema ako... yes ako ang may problema. Habang pinanonood ang dalawa na humiga sa kama namin ni Allegra... napapatanong ako kung saan ako lulugar. "Good night, Xachary." Nakuha pang sabihin iyon ng ginang habang may ngisi sa mga labi niya. "Xachy, hindi ka pa inaantok? Tara na!" yaya naman ni Allegra sa akin. Napasimangot ako. Anong gusto nitong mangyari? Tatlo kami sa kama? Halos sakupin na nga ng tiyahin nito ang higaan. Para pa