Chapter Seventy-eight "Tumatawag ang daddy mo, Allegra." Ipinakita ni Xachary ang phone niya. Tutok na tutok ang atensyon ko sa TV nang lumapit ito sa akin. Halos lahat ng news na napapanood ngayon sa TV ay tungkol kay daddy at tiya. Tinanggap ko iyon at sinagot ang tawag. "Xachary, please... huwag mong hayaang mapanood ni A-llegra ang mga balita ngayon sa TV." Tarantang ani ng aking ama. "Mas mabuting sa akin na lang niya malaman... ako ang magpapaliwanag sa kanya. Tiyak na maguguluhan at masasaktan siya. Please. Please." Bakas sa tinig nito ang pagkataranta. "Pinanonood na niya, Josh." "f**k! f**k! Nasaan kayo ngayon? Kakausapin ko ang anak ko. Narito na ako sa airport. Ibigay ninyo ang location ninyo." "May taong naghihintay na sa 'yo sa airport. Kailangan talaga ninyong mag-usap