Chapter Eighty-three Habang dahan-dahang ibinababa ang kabaong ni daddy ay tahimik akong lumuluha. Hindi na kinaya ng gamutan. Last week ay nalaman kong wala na si Keisha Azell, nagluksa ako. Grabe ang pag-iyak ko. Hindi pa man ako okay ay ito naman ang nangyari. Si daddy naman ang nang-iwan sa akin. Nagtagumpay nga akong linisin ang pangalan ko. Malaya na nga ako. Pero pagkatapos ng tagumpay... iniwan naman ako ng dalawang tao na mahalaga sa akin. Parang panaginip lang ang lahat. Kung pwede lang magising na dahil hindi na maganda ang panaginip. "Halika na, Allegra." Yaya ni Xachary. Ayaw ko pang umalis. Ayaw ko pang maiwan si daddy roon. Pero nang makita ko ang pagod na itsura ng nobyo ko na siyang naging punong abala sa lahat ay hinayaan ko na ang sarili kong sumama rito. Nakita ko