Tumango siya kahit na hindi nakatuon sa kaniya ang tingin ng lalaki. "Opo... iyan ang kalahating katawan ng halimaw. Ang kalahating katawan ni Mariah." Matagal na walang imik si Gado, ngunit makalipas ang ilang segundo ay natigilan siya sa sinabi nito. "Hindi... mali... " Kumunot ang noo niya sa sinabi ng lalaki. "Ano pong ibig n'yong sabihin?" Mabilis siyang nilingon ni Gado at hinawakan sa magkabilang-balikat. "Halika na, bilisan mo! Kailangan na natin umalis. Delikado rito!" Mabilis na kumabog ang dibdib niya. Kunot pa rin ang noong pinigilan niya ang lalaki. "Bakit po, Manong Gado? Tapos na, wala na ang manananggal." Tumigil si Gado at nagbuga ng hangin. Iminuwestra nito ang kamay at itinuro ang kalahating katawan. "Hindi iyan ang kalahating katawan ni Mariah. Nasisiguro kong hi