Third Person's POV "Miss! Are you okay?" Nalingat lang ng konti ang mga tagapagbantay ni Sage ay nakatakas na naman ang bata. Ang balak sana nito ay sundan ang amang si Lucas sa conference room ngunit sa paglalakad nito ay natanawan niya si Maria. Tuwang-tuwa siya nang makita ang dalaga kaya naman sinundan niya ito at ng kanyang abutan ay agad siyang yumakap dito. Nakita ng sekretarya ni Lucas na si Amy ang mga pangyayari. Namataan niya si Sage, nasa labas ito ng conference room, ang akala niya ay papasok ito sa loob ngunit nagulat na lamang siya nang lumihis ito ng daan at nagtatakbo kaya hinabol niya ang bata at natigilan siya ng may yakapin itong babae. Hindi muna siya lumapit, hinayaan lang muna niya si Sage at nagmasid lang siya sa nagaganap. Ilang hakbang lang ang layo niya sa

