Third Person's POV Matagal nang nasa labas si Lucas kanina pa niya inaabangan ang pagdating ni Maxine at Dani. Alas diyes na nang gabi at halos tatlong oras na siyang naroroon. Kanina pa siya tumatawag kay Maxine kaya lang mukhang naka-off naman ang cellphone nito. Nakailang tasa ng kape na siya at nauubos na ang pasensiya niya sa kahihintay. Kung alam lang sana niya kung nasaan ang mga ito ay kanina pa niya pinuntahan. Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan ng may marinig na busina mula sa labas. Awtomatikong bumukas ang malaking gate at pumasok doon ang mamahaling kotse ni Maxine. Sinalubong niya ang sasakyan at tama namang huminto ito sa kaniyang harapan. Lumabas si Maxine sa passenger seat. "Where is Dani?" agad na tanong niya sa kaniyang stepsister. Alanganing itinuro ni Maxine

