Third Person's POV Na-discharged narin sa ospital si Maria. Hinatid ni Jason sa kanyang bahay ang dalaga. Sinalubong naman siya ng may pag-aalala ni Aling Marina at Estella. "Ate, ayos ka na ba?" tanong ni Estella. Tumango naman si Maria rito bilang tugon at ginulo pa ang buhok nito. Lumapit si Aling Marina kay Maria at hinaplos ito sa braso pinakatitigan ang dalaga at sunuring mabuti ang katawan kung wala ba itong tinamong sugat. Ang alam lamang nila ay na-ospital ito ngunit hindi pa nila alam ang sanhi ng pagkaka-ospital nito. "Uuwi na po muna ako," paalam ni Jason sa mga ito. Alam naman kasi niya na marami pa silang pag-uusapan ngayong nagbalik na ang alaala ni Dani. "Maraming salamat sa 'yo, Jason at lagi kang nariyan para kay Maria. Hulog ka ng langit sa amin," ani Aling Marina.

