Third Person's POV Nagsimula na ang trial laban kay Louella, nailapag na ang lahat ng ebidensiya at ang mga testigo na kinausap ni Dani ay dumating rin. Walang nagawa ang mga magulang ng dalaga. Aminado sila sa kasalanang nagawa ng kanilang anak. May katotohanan ang lahat nang ipinararatang dito. Sa huli ay nasintensiyahan si Louella ng guilty sa kasong k********g at frustrated murder ng fourteen years to seventeen years imprisonment. Hindi matanggap-tanggap iyon ng dalaga. "Dad, do something! I don't want to be rotten in jail!" umiiyak na sabi ni Louella, nakaposas ang mga kamay nito at inaalalayan ng mga jail guard palabas ng korte. Ngunit hindi ito kumikilos sa kanyang kinatatayuan, ayaw na niyang bumalik pa sa kulungan. Nakahinga naman ng maluwag si Lucas at Dani. Sa wakas ay nab

