Third Person's POV Nakita ni Jason si Louella sa pasilyo ng Montemayor-Suarez Corporation. Nagmamadali ang mga hakbang nito kaya naman hinabol niya ang dalaga. "Louella!" tawag niya rito. Agad namang lumingon ito kay Jason at tumigil sa paglalakad. "Where are you going?" tanong ng binata sa kababata. Inismiran lamang siya nito. "It's none of your business!" mataray na sabi ni Louella. Ngumiti naman na parang nakakaloko si Jason. "I just want to give you this, mukhang sa'yo ito nahulog mo kagabi sa sofa niyo. Your Dad asked me to return this to you." Napaawang ang bibig ni Louella ng makita ang USB na hawak-hawak ni Jason. Agad niyang kinuha iyon sa kamay ng binata. "Tiningnan mo ba ang laman nito?" may pagdududang tanong niya. Umiling naman si Jason. "Why should I? Hindi ko ugaling

