Third Person's POV Kinaumagahan ay maagang umalis si Lucas para tumuloy sa kaniyang condo unit at magprepara pa sa kanilang basketball practice, hindi na nito nagawang magpaalam pa kay Dani na tulog pa ng mga oras na iyon ngunit bago naman siya umalis ay sumilip pa muna siya sa silid nito. Si Sag naman ay natulog sa kwarto ng kaniyang lolo at lola. Kinailangan niyang umalis ng maaga para hindi abutin ng traffic. Nagising si Dani na wala na si Lucas, sinabi naman sa kaniya ni Loida na maaga itong umalis. "Bakit, na miss mo na agad si Sir Lucas, noh?" May panunudyo sa tono ng boses na tanong ni Loida kay Dani. Pinanlakihan naman ito ni Dani ng mga mata at pagkatapos ay luminga sa paligid sinugurado kung wala bang tao sa paligid na nakarinig sa sinabi nito. "Ito naman ang OA mo, walang

