Third Person's POV Two years later "Maria, halika nga muna rito sa kusina," tawag ni Aling Marina sa anak. "Bakit, Nay?" tanong ni Maria. "Pakihatid nga itong pagkain sa Itay mo, siguradong gutom na iyon." Iniabot ni Marina ang basket na naglalaman ng mga pagkain kay Maria. "Dagdagan niyo po, Inay at sasabay na lang ako kay Tatay sa tanghalian," aniya sa ina. "Naku, Maria! Kagagalitan ka na naman ng iyong ama, ayaw na ayaw no'n na tumutulong ka sa kanya sa bukid," ani Marina. Makailang ulit na siyang napagsabihan ng asawa na huwag ng patutunguhin sa bukid si Maria mahina ang kalusugan nito at madalas ay nahihimatay kaya nag-aalala ang mag-asawa sa panganay nilang anak. "Sasamahan ko na lang si Ate, Nay," presinta ni Estella na kararating lang buhat sa eskuwela at narinig ang pag-uus

