Third Person's POV Kahit masakit ay tinanggap ni Paul ang katotohanan na pagmamahal ng kaibigan lang ang kayang ibigay sa kaniya ni Dani. Ginawa pa rin niyang maging normal ang pakikitungo rito. Mahal niya ito at tanging kaligayahan lang nito ang mahalaga para sa kaniya. Hangga't kailangan siya ni Dani ay hindi siya aalis sa tabi nito kahit bilang isang kaibigan lamang. Nang gabi ring iyon ay kinausap ni Dani ang nobyong si Lucas, gusto niyang maging maayos ang pakikitungo nito kay Paul. "Nag-usap na kami ni Paul at natanggap na niya na hanggang magkaibigan lang kami. Mabait si Paul, Sir at malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Marami siyang nagawa para sa amin ni Sage. Kahit si Sage ay malapit din sa kaniya, gusto ko sanang magkaayos kayong dalawa." Paliwanag niya sa nobyo sa totoong

