Third Person's POV Kinabukasan ay excited na si Dani, maaga pa lang ay gising na s'ya. Tulog na tulog pa si Lucas sa tabi niya, alas singko palang naman kasi nang umaga. Nakapwesto siya nang higa paharap dito kaya naman kitang-kita niya ang gwapong mukha nito. Ang totoo nga niyan ay siya na ang nahihiya para sa kaniyang sarili, napakakinis naman kasi ng mukha ng kaniyang nobyo, wala man lang pores. Nahipo niya tuloy ang sariling pisngi. Napabuntong hininga siya nang malalim, medyo magaspang na kasi ito, wala naman kasi siyang inilalagay na kahit ano sa kaniyang mukha, hindi kasi siya katulad ng iba na napapanuod niya sa tv o sa internet na mga babaeng masyadong banidosa at maarte sa katawan. Tamang hilamos lang siya ng banayad lang sa balat na sabon, hindi lang niya hinahayaang marumi ang

