Third Person's POV "Amy, naihanda mo na ba ang mga papeles na kailangan ko?" tanong ni Lucas sa kanyang sekretarya, kasalukuyan nitong ipinapatong sa lamesa niya ang folder ng mga business proposal na kailangan niyang i-review at aprubahan. "May dalawa pa pong hindi nakapirma, Sir. Pero 'yon na lang ang kulang, kukunin ko na ngayon sa finance department, napirmahan na po siguro kahapon ko pa kasi ipinadala sa kanila," sagot nito. "Okay, get it, I need those papers now!"utos niya rito. "Right, away, Sir," tugon naman nito at nagmamadali nang lumabas ng opisina. Bumuntong hininga nang malalim si Lucas, hinilot niya ng daliri ang kanyang sentido. Sumasakit ang ulo niya dahil sa problema na ibinalita sa kanya ng mga engineer at architect niya na nasa site. Hindi nagkasundo ang mga ito

