"Kaninong condo unit 'to?"Iginala ni Mara ang paningin sa buong paligid. Base sa nakita niya ay bago pa lamang ang lugar na iyon dahil hindi pa gaanong maayos. "Sa'kin." Kaswal nitong tanong. Sandaling napaisip ang dalaga. Kung tutuusin malapit lang naman ito sa bahay nila Elise kaya bakit kailangan pa nitong kumuha ng ibang matitirhan. Saka isa pa, ang pagkakaalam niya ay may sarili itong bahay. Love nest nila ni Abigail? Nahulog yata ang kaniyang puso sa iisiping iyon. Ngunit maya-maya lamang ay sinagot ng binata ang tanong sa kaniyang isip. "Kina Elise ako natutulog kapag tinatamad na akong umuwi ng Makati mula sa trabaho. But since nandon ka at ayaw kitang makita, kaya minabuti kong kumuha ng matutuluyan kung sakali." Napamaang ang dalaga. Hindi na siya nito hinayaang makapag-r